Nanawagan sa overseas filipino workers (OFWs) ang consulate General of the Philippines sa New York, na magsuot ng facemask dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng covid-19.
Ayon sa konsulado, dapat na limitahan muna ng mga pinoy workers ang iba’t-ibang uri ng pagtitipon, magpa-test, panatilihin ang paghuhugas ng kamay, magpabakuna, at manatili na lamang sa bahay kung nakararanas ng sakit o na-expose sa virus.
Sinabi ng NYC Department of Health and Mental Hygiene, na mas mainam kung high-quality mask ang gagamitin para maiwasan ang hawahan ng covid-19.
Bukod kasi sa naturang virus, tumataas narin sa New York City ang kaso ng influenza at respiratory syncytial virus lalo na ngayong holiday season kaya kailangan ng bawat isa ng mas dobleng pag-iingat upang maging ligtas laban sa iba’t-ibang uri ng sakit.