Walang mapaglagyan ang kaligayahan ng Kapuso actor na si Gabby Concepcion.
Ito ay matapos niyang matanggap ang parangal bilang Asian Star Prize sa 12th Seoul International Drama Awards 2017.
Napansin ng The Seoul Drama Awards Organizing Committee ang outstanding performance ni Gabby sa day-time drama show ng GMA – 7 na Ika – 6 Na Utos.
Pinasalamatan naman ng aktor sa kanyang acceptance speech ang kanyang mother network dahil sa pagtitiwala umano sa kanya na gampanan ang karakter ni Rome sa Ika – 6 na utos.
Ang 12th Seoul International Drama Awards 2017 ay ginanap noong Setyembre 7 sa KBS Hall sa Seoul, South Korea.
Si Gabby ang ikalawang Pinoy na pinarangalan ng naturang award sa Seoul International Drama Awards.
Matatandaang noong isang taon ay natanggap din ng Kapuso actor na si Dennis Trillo ang kaparehong award para sa teleseryeng My Faithful Husband.
—-