Mananatiling naka-full alert ang Philippine National Police hanggang sa pormal na maideklara ang lahat ng mga nanalo sa 2025 national and local elections.
Ito, ang naging pagtitiyak ni PNP Chief General Rommel Francisco Marbil kasunod ng mga naitatalang insidente ng karahasan sa bansa kaugnay ng eleksyon.
Sa pinakahuling datos, nakapagtala ang PNP ng 52 insidente ng karahasan sa buong bansa, kung saan pamamaril ang may pinakamarami na umabot sa labindalawang kaso.
Bagaman masasabing ‘generally peaceful’ ang mismong araw ng halalan sa kabila ng mga naitalang insidente, mananatiling naka-full alert status ang pnp upang tiyakin na mapipigilan pa rin ang mga magdudulot ng aberya at karahasan.