Inulan ng libo-libong reklamo ang election watchdog na kontra daya matapos ang halalan kahapon.
Ito, ang kinumpirma mismo ni Kontra Daya Conveyor Danilo Arao sa panayam ng DWIZ.
Iba’t ibang uri anya ang reklamong natanggap ng watchdog sa mga botante sa pagtatapos ng halalan kahapon.
Samantala, tinukoy rin ng Kontra Daya Conveyor ang ilang anomalyang kinaharap ng mga botante, na hindi lamang tungkol sa technical difficulties, pati na rin sa kaliwa’t kanang illegal campaign activities.—sa panulat ni Jasper Barleta