Niluwagan na ng Malaysia ang kanilang ipinatutupad na entry ban laban sa 23 bansang may mataas na kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), kabilang ang Pilipinas.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), papayagan na ng Malaysia ang pagpasok sa kanilang bansa ng mga professional at mga may hawak na visit pass ng mga Filipino.
Kinakailangan lamang makakuha ng travel approval mula sa Malaysian Immigration Department at support letter mula sa Malaysian Investiment Development Authority.
Sa pinakahuling travel advisory ng DFA, ipinagbabawal pa rin ang general entry ng mga Filipino sa Brunei at Saudi Arabia habang ipinatutupad naman ang mahigpit na medical protocols para sa mga hindi sakop ng entry restrictions sa dalawang nabanggit na bansa.
Samantala, ipinatutupad din ang entry ban ng lahat ng mga foreign national at stateless persons sa Ukraine kabilang ang mga Filipino.