Sinimulan na ngayong araw ang Philbex o ang war games sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.
Kabilang sa lalahok sa 9 na araw na training ang 650 na US Marines at 750 na tauhan ng Philippine Navy.
Layunin ng Philbex na palakasin ang kakayanan ng dalawang tropa sa pagtugon sa mga krisis, maritime dispute, kalamidad at posibleng banta sa seguridad sa rehiyon.
Ang war games ay gagawin sa Ternate, Cavite; Clark, Pampanga; at San Antonio, Zambales; habang ang table top at command post exercise ay gagawin sa Palawan.
By: Katrina Valle | Jonathan Andal