Wala umanong masama sa maagang pangangampanya ng mga kakandidato sa 2016 elections.
Ayon kay Supreme Court (SC) Spokesman Atty. Theodore Te, ang premature campaigning ay hindi na maituturing na election offense, base sa November 2009 ruling ng kataas-taasang hukuman.
Ibig sabihin, hindi labag sa umiiral na automated election law ang mga kandidatong mayroon nang TV at print advertisements bago pa man ang actual campaign period.
By Meann Tanbio