Iniimbestigahan ngayon ng Bureau of Immigration ang 10 nilang empleyado na sinasabing may kinalaman sa pagtakas ng isang puganteng Koreano sa Bicutan noong Setyembre 29.
Agad namang naaresto ang Korean fugitive na si Seongdae Cho sa Parañaque noong Sabado.
Binayaran umano ni Cho ng isang milyong piso ang 10 Immigration agents para sa kanyang pagtakas.
Tumanggi naman si Immigration Commissioner Siegfred Mison na pangalanan ang mga nasabing empleyado.
Si Cho ay may kinakaharap na extortion case sa Korea.
By Meann Tanbio