Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong pinuno ng Philippine National Airforce.
Basa sa appointment paper na nilagdaan ng Pangulo, itinalaga nito si Major General Allen Paredes na dating commander ng Air Logistics Command ng PAF.
Papalitan ni Paredes si Lt. General Rozzano Briguez na magreretiro na.
Epektibo ang naturang appointment sa January 17.
Nakatakdang isagawa ang change of command sa Philippine Air Force sa PAF Gymnasium sa Pasay City ngayong araw.