Nagpadala na ng liham ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the President (OP) para humiling ng karagdagang pondo para sa mga lolo’t lola na umabot na sa mahigit 100 taong gulang.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, kulang ang kanilang pondo para sa 600 centenarian na nakapilang tumanggap ng tig 100,000 pisong financial aid mula sa pamahalaan.
Naiparating na rin nila aniya sa budget hearing ng kongreso ang hiling nilang additional fund upang maisama sa 2023 General Appropriations Act.
Samantala, umabot na kasi sa 600 na mga nakatatanda ang may edad na mahigit 100 taong gulang at tila lumalaki pa aniya ang bilang na ito. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)