Home NATIONAL NEWS Halos limang toneladang droga na nagkakahalaga ng ₱11.32-B, nasamsam ng PNP sa loob ng siyam na buwan!

LRT-1, balik-operasyon na matapos ang sunog malapit sa Vito Cruz station

by DWIZ 882 October 4, 2022 0 comment
LRT1

Inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na balik-operasyon na ang 19 na istasyon ng Light Rail Transit (LRT) line 1.

Ito’y matapos pansamantalang isuspinde kasunod ng nangyaring sunog malapit sa Vito Cruz station.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog sa isang commercial at residential area sa Rafael Alunan Street sa Maynila.

Umabot sa unang alarma ang naturang sunog dakong 8:55 ng umaga.

Samantala, naapula naman ito bandang 9:38 ng umaga kanina.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment