Muling hinikayat ng Inter Agency Task Force (IATF) ang mga local government units (LGU) na huwag magpasa ng ordinansa na kokontra sa national guidelines sa enhanced community quarantine.
Tinukoy ni Nograles ang panuntunan ng ilang LGU’s na nakakapagpabagal sa daloy ng mga cargo lalo na ng pagkain.
Iginiit ni Nograles na hindi kailangang sumailalim sa mandatory 14 day quarantine ang mga cargo drivers at personnel kung wala namang sintomas ang mga ito ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Nakiusap rin si Nograles na huwag harangan ng mga LGU’s ang mga umuwing OFW’s na mayroon namang certificate of completion of quarantine.
Please lang po, malaki ang sakripisyo ng ating mga OFW ‘di sila papauwiin ng DOH kung wala pa silang clearance at hindi sila nakakahawa, gusto natin na umuwi sila sa kanilang tahanan. Let them go home,” ani Nograles.