Pumalo na hanggang 180 pesos ang presyo ng kada kilo ng ilang parte ng manok sa ilang pamilihan sa kamaynilaan.
Ayon sa mga chicken retailer, kulang ang suplay ng manok na idine-deliver sa mga pamilihan.
Sinegundahan naman ito ng United Broiler Raisers’ Association o UBRA na aminadong bumaba ang suplay ng manok mula sa local farmers.
Paliwanag ng asosasyon, ito ay dahil marami ng local farmers ang sa ngayon ay hindi muna nag aalaga ng manok dahil nalulugi sila bunsod ng maraming inaangkat na manok.
Dahil dito nanawagan ang UBRA sa pamahalaan na limitahan ang pag angkat ng manok at maging alerto kung may nangyayaring smuggling.