Lumobo na sa mahigit 13,200 ang dengue cases sa Central Visayas simula Enero hanggang nitong ikalawang linggo ng Setyembre.
Kumpara ito sa halos labindalawang libong kaso na naitala hanggang noong Agosto.
Ayon sa DOH – Region 7, pinakamarami ang dengue cases sa lalawigan ng Cebu, mahigit limanlibo dalawandaan kabilang ang tatlumpu’t dalawang namatay;
Bohol, halos dalawanlibo kabilang ang isang namatay at Negros Oriental, halos isanlibo limandaang kaso kabilang ang anim na namatay.
Aabot naman sa 2,373 ang dengue cases sa Cebu City; 1,340 sa Lapu-Lapu City at 708 sa Mandaue City.
Sa kabila nito, walang local government unit na nagrekomendang magdeklara na ng outbreak sa mga apektadong lugar.