Lalahok si dating Department of Agrarian Reform Secretary Rafael “Ka Paeng” Mariano sa gaganaping malaking kilos protesta sa Setyembre 21.
Ang naturang rally ay isasagawa sa buong bansa kasabay ng ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ayon kay Mariano , ang magaganap na malaking kilos protesta ang siyang pinaka- unang rally na kanyang lalahukan matapos siyang ma – reject sa CA o Commission on Appointment.
Matatandaang ibinasura ng CA ang appointment ni Mariano dahil sa alegasyon ng umano’y relasyon nito sa mga rebeldeng komunista.
SMR: RPE