Nakatakdang iharap ngayong araw kay Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang babaeng pulis na pinalaya ng Abu Sayyaf matapos ang ilang linggong pagkaka-bihag sa Sulu.
Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Bong Go matapos makalaya na ang mga binihag na sina PO2 Benierose Alvarez at PO1 Dinah Gumahad.
Ayon kay Go, hawak na ng provincial government ng Sulu partikular ni Governor Abdusakur Tan ang mga nakalayang pulis na ihaharap sa Pangulo sa Davao City.
Una nang nilinaw ni PNP Chief, Director-General Oscar Albayalde na walang ibinigay na ransom ang pamahalaan kapalit ng paglaya ng dalawang pulis.