Halos P5 bilyong piso ang nalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño phenomenon.
Ayon pa sa Department of Agriculture (DA), lumalabas sa kanilang pag-aaral na aabot sa 223,000 ektarya ng sakahan ang apektado ng El Niño sa buong bansa.
Pinakamalaking pinsala ng El Niño ang naitala sa Northern Mindanao kung saan nasa P359 million pesos ang nawala sa mga magsasaka.
Una nang nagsagawa ng cloud seeding operations ang DA para makaagapay sa matinding tagtuyot.
By Judith Larino