Muling binigyang diin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na tanging ang Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang pakikinggan niya sa kaniyang pananatili sa puwesto.
Sinabi ni Aguirre na hanggat tiwala pa sa kaniya ang Pangulo ay hindi siya aalis sa kaniyang puwesto dahil manunungkulan siya sa kagustuhan ng Pangulo at hindi ng anumang partido.
Ang pahayag ni Aguirre ay kasunod ng panawagan ng ilang miyembro ng Liberal Party na magbitiw na si Aguirre dahil sa umanoy pagpapalabas nito ng mga mali maling impormasyon o akusasyon laban sa dating ruling party.
By: Judith Larino / Bert Mozo
SMW: RPE