Nagbanta ang mga tsuper ng jeepney na maghahain ng taas singil sa pasahe kapag naipasa na ang panukalang pagpapataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Tinataya kasing tatlong bagsak ng oil price hike ang ipapataw sa diesel ng mga kumpaniya ng langis kapag tuluyan nang naisabatas ang panukala.
Kaya naman bubuhayin ng pamahalaan ang Pantawid Pasada para tulungan ang mga tsuper ng jeepney na masalo ang karagdagang gastusing naka-amba rito.
Gayunman, para sa Department of Transportation, hindi sapat ang Pantawid Pasada Program para masolusyunan ang problema.
Dahil dito, iminungkahi ng commuter groups sa gubyerno na magtatag ng special task force na siyang tututok sa mga usaping bumabalot ngayon sa sektor ng transprotasyon.
By: Jaymark Dagala