Labindalawa (12) pa ang nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ng Quezon.
Ayon sa integrated provincial health office, naitala ang mataas na bilang kahapon lamang.
Nagmula ang pinakabagong fatalities sa mga bayan ng Candelaria, tatlo; Gumaca, Sariaya, Tiaong, Unisan, Macalelon, Mulanay, Real, Lucban at Infanta, na mayroong tig-isa.
Dahil dito, sumampa na sa 575 ang namatay, kung saan 50 sa kanila ang binawian ng buhay simula Hunyo 1 hanggang 9 at 125 noong Mayo.
Ang Lucena City naman ang may pinakamataas na fatality na aabot sa 97. —sa panulat ni Drew Nacino