Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

manny pacquiao X SANDARA PARK

Nagkita sa Seoul, South Korea ang Filipino Boxing Legend na si Manny Pacquiao at ang KPOP star na si Sandara Park.

Sa Instagram, ibinahagi ni Pacquiao ang ilang mga larawan kasama ang asawa nito na si Jinkee at ang KPOP idol.

Pinasalamatan din ni Pacquaio si Sandara at nag-pose pa ng finger hearts at peace sign.

Nabatid na nakatakdang mag-guest sina Sandara at Manny sa isang South Korean variety show na “Knowing Bros.”

Sa isang IG story, ibinahagi rin ni Dara ang kanyang larawan kasama ang “Pambansang Kamao,” gayundin ang Korean singer na si Kim Yohan, at mga aktor na sina Yoon Hyungbin at Lee Hoo na magiging bahagi ng naturang episode.

Kasalukuyang nasa Seoul, South Korea sina Manny at Jinkee, kung saan nakipagkita rin si Pacman sa cast ng ”Running Man.”

October 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DOLL HOUSE - BARON GEISLER

Ikinatuwa ng madlang pipol ang mahusay na pagganap ng aktor na si Baron Geisler sa pelikula nitong ‘Doll House.’

Tila breath of fresh air naman para sa mga audience ang pagganap ni Baron bilang bida dahil kadalasan siya ay gumaganap bilang kontrabida o di kaya’y supporting roles lamang ang ginagampanan.

Tinangkilik naman ito ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Nagpasalamat naman ang aktor sa mga taong nagtiwala at nagbigay ng tyansang bumida sa pelikula.

Matatandaang ipinalabas ang Doll House sa Netflix noong Oktubre a-siete kung saan ito nag top 1 sa top 10 spots ng naturang streaming service.  – sa panulat ni Hannah Oledan

October 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vice -alawi screengrab from YouTubeABS-CBN Star Cinema

Nagsalita na ang talent manager ng aktres na si Bea Alonzo matapos ang paulit-ulit na pambabatikos ng kapwa talent manager na si manay Lolit Solis.

Ayon sa manager ng aktres na si Shirley Kuan, maituturing na “pambubully” ang sunud-sunod na patutsada ng batikang showbiz columnist.

Ayon kay Kuan, hindi niya alam kung saan, nanggagaling ang ginagawang pang-atake ni manay Lolit kung saan, halos araw-arawin na nito ang mga banat kay Bea.

Si Kuan ay matagal na sakaniyang posisyon bilang talent manager, kung saan kaniya nang nahawakan bilang talent artist sina Coco Martin, Albert Martinez, Carmina Villarroel, Helen Gamboa, Agot Isidro, Donna Cruz, at ang yumaong si Susan Roces.

October 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Jung Ho Yeon - squid game

Magtutungo sa Pilipinas ang Squid Game star na si Jung Ho Yeon para sa kanyang kauna-unahang fan meet!

 Sa anunsyo ng concert promoter na Wilbros Live, idaraos ang ”fun” meet ng actress at supermodel sa November 11 sa New Frontier Theater.

 Sa ngayon ay wala pang detalye kung kailan maglalabas ng tickets para sa fanmeet ni Ho-Yeon.

 Sa korean hit series na “Squid Game,” si Jung Ho-Yeon ang gumanap bilang si Kang Sae-Byeok o Player 067, na isang Korean Defector.

 Dahil sa kanyang husay sa naturang series ay naiuwi ng aktres ang Outstanding Performance by a Female Actor in a drama series sa 28th Screen Actors Guild Awards at Best Actress in an Action Series sa 27th Critics Choice Awards.

October 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MAYMAY ENTRATA

Patuloy sa pagkabog ang ‘amakabogera’ hitmaker at aktres na si Maymay Entrata nang tanghalin ito bilang isa sa mga nominees para sa Best Asia Act sa 2022 MTV Europe Music Awards (EMA).

Na-nominate si Maymay kasama si Niki ng Indonesia, Silvy ng Thailand, The Rampage from Exile Tribe ng Japan, at Tomorrow x Together ng South Korea.

Nagpasalamat naman ang singer-actress sa MTV EMA sa pag-recognize nito sa kanyang hit single pati na rin sa kanyang mga fans na patuloy na  sumusuporta sa kanya.

Pinasalamatan din ni Maymay ang ABS-CBN na kanyang home station sa pagpo-produce nito sa kanyang kanta.

Gaganapin naman ang 2022 awards ceremony sa Dusseldorf, Germany sa November 13, na may live broadcast sa MTV Channels sa 173 bansa. –  sa panulat ni Hannah Oledan

October 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
atom - zen

Binweltahan ng aktres na si Sunshine Cruz ang kaniyang mga basher matapos ang kaniyang ipinost na Tiktok video sa kaniyang social media account.

Matatandaang gumawa ng video dance ang aktres na agad namang pinuna ng mga netizen at sinabing hindi maganda ang pagiging trying hard sa pagsasayaw ni Sunshine.

Agad namang sinagot ni Sunshine ang pambabatikos ng mga netizen at sinabing wala sa edad ang kagustuhang maging masaya ng isang tao sa tulong ng pagsasayaw o pagkanta.

Iginiit din ng aktres, na mismong ang anak pa niya ang natulak sakaniya para gawin ang Tiktok dance at alam niyang proud ang mga ito sakaniya.

October 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VICE GANDA IVANA ALAWI
Hindi na nakapagpigil at sinagot ng komediyanteng si Vice Ganda ang naging komento ng mga netizen hinggil sa naging looks at hairstyle ng vlogger at actress-model na si Ivana Alawi.
Ito’y matapos ilabas ang teaser ng pelikulang “Partners in Crime” na pinagbidahan nina Vice at Ivana sa ilalim ng Star Cinema.
Nabatid na umani ng ibat-ibang reaksiyon sa publiko ang naging role ni Ivana kung saan, kayumanggi ang kulay ng balat at kulot ang mga buhok nito.
Ayon sa komediyante, walang naging mali sa pagiging kulot at pagkakaroon ng kayumangging balat kundi ang mali, ay ang baluktot na pananaw at pagiging negatibo ng mga tao.
Dahil dito, nagbigay ng payo si Vice na huwag masyadong stress-sin ang sarili at enjoy-in nalang ang panonood sa pelikulang Pilipino.
October 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SOLD OUT

Inanunsyo ni Ely Buendia na sold out na ang Eraserheads Reunion Concert nila na “Huling El Bimbo.”

Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Ely ang lahat ng sumuporta sa mga Filipino artist at sinabing gagawin nilang unforgettable experience para sa lahat ang kanilang concert.

Nabatid na nitong October 5 lamang nang ilabas ang ticket para sa inaabangang concert ng banda.

Batay naman sa post mula sa “Huling El Bimbo” Facebook page, na maglalabas naman ng ticket promos mula sa ilan nilang sponsors.

Nakatakdang idaos ang “Huling El Bimbo” concert sa December 22 sa SMDC Festival Grounds sa Parañaque City.

October 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
bea manay alitan

Binasag na ng aktres na si Bea Alonzo ang kaniyang katahimikan hinggil sa ilang beses na pambabatikos ng batikang showbiz columnist na si Manay Lolit Solis.

Kasunod ito ng pamumuna ni Manay Lolit sa aktres sa kaniyang Instagram account kung saan, binansagan na siya ng mga netizen na “Ultimate basher ni Bea.”

Ayon kay Bea, hindi pa man sila nagkikita ng personal ni Lolit, malaki pa rin ang respeto nito sa batikang kolumnista lalo na’t hindi umano maayos ang kalusugan nito.

Sinabi pa ni Bea na hangad parin niya ang mabilis na pagrekober ni Manay Lolit sa kaniyang sakit.

Iginiit din ni Bea na mananatili siyang mahinahon, positibo at hindi niya dadalhin ang bigat sa kalooban na nagresulta naman para mas lalo siyang hangaan ng mga netizen.

October 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ibinahagi ng aktres na si Aubrey Miles ang masalimuot ng karanasan nito sa Paris.
Ito ay matapos madukutan at mawalan ng mahahalagang gamit ang aktres habang namamasyal sila ng kaniyang asawa na si Troy Montero.

Sa instagram post ni Aubrey, ibinahagi nito ang ilang larawan mula sa Paris Pitstop noong honeymoon nila ng asawang si Troy Montero kung saan kasama ang hindi kaaya-aya niyang karanasan.

Iginiit naman ni Aubrey na love pa rin niya ang Paris kahit nawalan ng gamit.
Samantala bilang pampalubag loob ay nagsagawa na lamang ang aktres ng mini photoshoot sa paligid ng City of Lights at inialay ito sa mga magnanakaw.

Noong June 2022 nagpakasal sina Troy at Aubrey at kamakailan ay pumunta ng Europe para sa kanilang honeymoon.

- sa panunulat ni Hannah Oledan

October 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest