Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

maxene

Kinumpirma ng aktres na si Maxene Magalona na hiwalay na siya sa kanyang asawa na si Rob Mananquil.

Kahapon nang ipost ni Maxene ang picture niya na suot ang kanyang wedding gown.

Sa caption ng kanyang post, nagbahagi siya ng “7 ways to move on after a breakup”.

Matatandaan nitong January, pumutok ang balitang hiwalay na sila ngunit, ngayong Oktubre lang niya inanunsyo na siya ay single na.

Sinabi ng Aktres na pagtutuunang pansin  muna niya ang kanyang sarili at ipagdarasal ang tuluyang paghilom mula sa kanilang paghihiwalay.

October 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
vic sotto

Naging emosyonal ang actress-host na si Pauleen Luna sa muling pagsasama ng asawang si Vic Sotto at singer-songwriter na si Ice Seguerra sa isang entablado.

Kasunod ito ng naganap na concert ng dating child star na “becoming ice” noong Sabado, October 15, sa The Theatre Solaire.

Ayon kay Pauleen, nasaksihan niya kung paano ituring ng kaniyang asawa bilang isang tunay na anak si Ice.

Sinabi pa ng aktres na nakita niya kay Vic ang pagpapahalaga, pagtrato at pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak.

Matatandaang nagkasama sina Vic at Ice sa ilang mga TV at movie projects nang madiskubre ang singer sa Little Miss Philippines ng “Eat Bulaga.”

October 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Tinapos ng isang larawan ang long-standing feud sa pagitan ng fans nina Selena Gomez at Hailey Bieber.

Usap-usapan ngayon ang controversial photo ng singer-actress na si Selena at model na si Hailey nang magpose ang mga ito para sa kauna-unahan nilang public photo.

Si Selena ay ex ng award-winning musician na si Justin Bieber na asawa naman ni Hailey.

Kinuha ang litrato matapos magbigay ng tell-all interview ni Hailey tungkol sa kritisismo sa relasyon nila ng kanyang asawa.

Matatandaang nasangkot sa fan-wars sina Selena at Hailey sa loob ng maraming taon dahil sa past na on-and-off relationship ng aktres sa Canadian Singer.

Marami naman ang naantig sa larawan, lalo na ang mga sumubaybay sa buhay nina Selena, Justin at Hailey. – sa panunulat ni Hannah Oledan

October 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MISS SUPERMODEL

Kinoronahan bilang Miss Supermodel Worldwide 2022 ang pambato ng Pilipinas na si Alexandra Mae Rosales.

Sa Instagram stories ni Alexandra, proud nitong ibinahagi ang kanyang korona at nagpasalamat sa Miss Supermodel Worldwide Organization para sa tiwalang ibinigay nito sa kanya.

Idinaos ang grand finale ng competition noong Sabado sa Miracle Resort sa Jaipur, India.

Hinirang naman bilang runners-up ang mga kandidata mula sa  Netherlands, Indonesia, France, at Kazakhstan.

October 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
2

Namangha ang netizens sa larawan ng host at komedyante na si Melai Cantiveros kung saan tila kamukha nito ang aktres na si Janella Salvador.

Sa nasabing photo ni Melai, tila gayang-gaya nito ang hairstyle ni Janella sa karakter nito sa TV series na Darna.

Hindi naman napigilan ng kapwa komedyante nito na si Boobay na magkomento ng ”Janella Teyyyy”, na sinegundahan naman ng ilang netizens.

Una na ring inamin ni Melai na ginagaya niya ang hairstyle ni Janella nang mag-guest ito sa ”Magandang Buhay.”

October 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SPONGE COLA

Ipagdiriwang ng bandang Sponge Cola ang kanilang 20th anniversary sa pamamagitan ng tour sa bansang Canada bago tuluyang umuwi sa bansa.

Ang nasabing banda ay kinabibilangan nina Yael Yuzon frontman ng grupo, gitarista na si Armo Armovit, bassist na si GOSH Dilay at ang drummer na si Tedmark Cruz.

Nasasabik ang grupo na makabalik at makasamang muli ang mga kababayang sa ibayong dagat. Inaasahang kakantahin nila ang mga kantang bitiw, tuliro, tambay, tuloy pa rin, jeepney at ang bagong awiting kung ako ang pumiling tapusin ito at alamat.

Sisimulan ng bandang Sponge Cola ang kanilang tour sa Calgary, Red Deer at Lethbridge mula Nobyembre 4 hanggang 6, samantala Nobyembre 11 at 12 ang concert sa Regina at sa Saskatoon. Kasama sa concert si Denise Barbacena at ang ilang mga sikat na rappers na sina Gloc-9 at Shanti Dope.

Asahan ang marami pang pasabog ng banda sa Canada sa mga susunod na araw, at bago tuluyang lumipad sa United States sa taong 2023, ang grupo ay may special anniversary showcase “bottoms up!” sa Peta theater sa Disyembre 14 na pangungunahan ng concert director ng banda na si Paolo Valenciano. Samantala, maglalabas ng panibagong album ang grupo bago matapos ang taon.—mula sa panulat ni Maize Aliño-Dayundayon

October 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Nagbalik sa moving on stage ang maraming fans ng nina James Reid at Nadine Lustre, mas kilala na loveteam na JADINE kasunod ng latest album na “lovescene”.

Naging usap usapan ng mga fans ang rekord na “lovescene” ni James tungkol sa relasyon.

Ayon kay James, ang lovescene ay isang album tungkol sa pagiging isang spotlight at kung paano nakakaapekto sa nakaraang relasyon.

Muling ikinalungkot ng ilang JADINE fans ang bagong kanta na kung saan kasunod nito ang hiwalayan ng dalawang aktor.

Matatandang naghiwalay ang showbiz couple noong Enero matapos ang kanilang 4 na taong relasyon. – sa panunulat ni Jenn Patrolla

October 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
hagrid

Yumao na ang 72 year old actor na si Robbie Coltrane, na gumanap na Hagrid sa sikat na movie series na “Harry Potter.”

Wala namang inilabas na iba pang detalye hinggil sa naging pagpanaw ni Coltrane, na  binawian umano ng buhay sa pagamutan.

Dahil dito, agad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang mga malalapit sa namayapang aktor kabilang na dito ang author ng Harry Potter na si J.K. Rowling.

Sinabi naman ni Emma Watson na itinuturing niyang “Most Fun Uncle” si Coltrane.

Inalala naman ng mga Harry Potter cast ang kabutihang-loob at sense of humor ng aktor.

Nakilala din si Coltrane sa TV series na “Cracker” makaraang gampanan ang karakter ng isang criminal psychologist at naging kontrabida rin ito sa dalawang bigtime film na James Bond.

October 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
CASSIE

Hindi ka muna papasok sa iskul!

Ito ang naging kumento ng aktres na si Dimples Romana sa Instagram post ng kapwa aktres nito na si Francine Diaz.

Ibinahagi ni Francine sa Instagram ang mga litrato mula sa kanyang unang in-person class attendance sa Southville International School Affiliated with Foreign Universities (SISFU).

Mababatid na isa sa pinaka tanyag na line sa afternoon drama show na kadenang ginto na kapwa pinagbidahan nina Dimples at Francine ang linyang “Cassie, hindi ka muna papasok sa iskul.”

Umani naman ito ng iba’t ibang rekasyon mula sa mga netizens na agad natukoy ang reference ng naturang comment.

Gumanap naman bilang step sisters sina Dimples at Francine sa nasabing palabas.

October 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SYLVIA SANCHEZ

Binigyang linaw ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez ang relasyon ng kanyang anak na si Ria Atayde kay Zanjoe Marudo.

Dahil sa kumalakat na buntis at nagpakasal ang kanyang anak na si Ria Atayde.

Ayon sa aktres kasalukuyang nagda-date pa lang ang dalawa.

Aniya, huling nagka-usap ang magina “Hindi pa raw sila ni Zanjoe”.

Hindi pa makumpirma ng aktres ang real score sa pagitan ng kanyang anak at ng aktor dahil walang pa umanong pag-amin ang dalawa.

Ngunit, handang-handa na ani siyang magkaroon ng manugang.

Sa ngayon, suportado aktres ang dalawa na mag-date o lumabas, upang lubusang magkakilala. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest