Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

SYLVIA SANCHEZ

Hiniling ng aktres na si Sylvia Sanchez sa kaniyang anak na si Arjo Atayde at fiancee nito na si Maine Mendoza na bigyan agad siya ng apo.

Dumalo si Sylvia sa event para suportahan ang kanyang anak na si Gela na gumagawa ng kanyang Runway Debut bilang bahagi ng koleksyon ng Filipino fashion designer na si Jenni Contretas para sa Human Apparel Brand.

Sinabi ng aktress na hindi siya ang tipo ng manugang na nakikialam sa relasyon.

Aniya, bigyan na siya ng apo at huwag naman after five years.

Engaged si Arjo at Maine noong Hulyo 2022.

Samantala, sa isang instagram post noong Hulyo 30, ipinahayag ni Sylvia ang kanyang pagmamahal at suporta sa mag-asawa at malugod na tinanggap si Maine sa kanilang pamilya. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SUNSHINE CRUZ

Umani ng ibat-ibang komento sa mga netizen ang cryptic post ng aktres na si Sunshine Cruz sa kaniyang Instagram account.

Ito’y matapos ibahagi ni Sunshine ang isang mensahe kung saan, sinabi niya na “May mga taong nakalaan lang na manatili sa ating mga puso pero hindi sa ating buhay.’’

Matapos maglabas ng saloobin ng aktres, nagbigay naman ng ibat-ibang komento ang ilang celebrity artist maging ang mga netizen kung saan, kanilang sinabi na darating din ang tamang tao para kay Sunshine na makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Hindi naman idinetalye ng aktres kung sino at para kanino ang kaniyang naging mensahe pero may ilang kumakalat na balita sa social media, na hiwalay na ito sa kaniyang boyfriend na si Macky Mathay.

Sa ngayon, wala paring kumpirmasyon kung ano na ang estado sa relasyon ng dalawa.

October 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BILLY CRAW

Nagpatuloy ang winning streak ni Billy Crawford sa Season 12 ng Dancing with the Stars ng France.

Si Billy at dancing partner nito na si Fauve Hautot ang nakakuha ng pinaka-mataas na score sa “battle of the judges” episode noong Biyernes.

Pinuri naman ng French citizens ang performance ni Billy dahil para sa kanila, ito ang may pinakamahusay na sayaw.

Kung magpapatuloy naman ang pagkapanalo ni Billy at Fauve sa dancing with the stars, matatagalan pa ang balik nito sa Pilipinas dahil sa November 2022 pa ang grand finals ng sikat na dance competition sa France.—mula sa panulat ni Hannah Oledan

October 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
broken blooms

Humakot ng 14 na international recognition ang pelikulang ‘’Broken Blooms’’ na pinagbibidahan nina Therese Malvar at Jeric Gonzales.

Ang pelikulang broken blooms ay sumasalamin sa realidad ng kahirapan ng ilang pamilyang pilipino

Ayon kay Engr. Benjie Austria, producer ng Broken Blooms, maraming kabataan ang nahaharap sa pagsubok ngayon kaya naman, mai-aaply ang pelikula sa kanilang buhay.

Kamakailan, kinilala sa Brasilia International Film Awards ang pelikula na binubuo ng ilang kapuso stars sina Lou Veloso, Royce Cabrera, Jaclyn Jose kabilang sina Jeric at Therese.

Samantala, magkakaroon ng local screening ang pelikula at asahang  isasali’t ilalaban pa sa ibang international film competitions. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
angelica p youtube

Engaged na ang aktress na si Angelica Panganiban sa kasintahan nito na si Greg Homan.

Ito ang masayang ibinahagi ng aktress sa kaniyang vlog sa YouTube kung saan mapapanood ang proposal ni Greg.

Sa nasabing kilig proposal, nag-set up ng video recording si Greg habang kita sa frame si Angelica sa tabing-dagat at nag-aayos dahil akala niya ay picture taking lang.

Dito na ginawa ni Greg ang proposal na nakatanggap naman ng matamis na Yes ni Angelica.

Ayon kay Greg, maraming paraan sa buhay para sumaya, pero si Angelica lang ang kailangan niya.

Nabatid na limang buwan nang engaged si Angelica dahil four months pregnant na ito noong ginawa ang video.

Agad namang ipinaalam ng mag-fiance ang engagement sa kanilang pamilya at kaibigan. —sa panulat ni Jenn Patrolla

October 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Ipinagdiriwang ng aktor at tiktok sensation na si Joshua Garcia ang kanyang 25th birthday kasama ang mga malalapit nitong kaibigan sa showbiz.

At tulad ng inaabangan ng lahat, nagpost ang youtube vlogger at social media influencer na si Bella Racelis ng kanyang birthday greeting para sa aktor na rumored boyfriend nito.

Sa kanyang instagram stories, nagpost si Bella ng dalawang larawan nila ni Joshua at isang short video na may hawak na maliit na card.

Matatandaang na-link ang dalawa noong agosto at kamakailan lamang ay namataang magkaholding hands ang dalawa na siyang nagpalakas pa ng spekulasyong hinggil sa tunay na estado nila.

Samantala, kabilang naman sa mga dumalo sa birthday party ni Joshua ay sina Daniel Padilla, Zanjoe Marudo, Kyle Echarri, Hyubs Azarcon, Sofia Andres, Daniel Miranda, La Tenorio, Ria Atayde at Trina Guytingco. - sa panunulat ni Hannah Oledan 

October 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Inilabas na ng wedding singer na si Ebe Dancel ang kauna-unahan nitong wedding album.

Tampok sa kanyang mini album ang kanyang first extended play single na ‘habangbuhay’.

Ang mini album, na available sa limited edition 10-inch silver vinyl ay ang unang collaboration sa pagitan ng widescope entertainment – record label ni Ebe– at backspacer records na siyang nangunguna sa industriya sa pagre-release ng OPM sa nakalipas na tatlong taon.

Kabilang sa mga kantang nasa album ay ang prayer song na manatili; wedding vow song na tanging kailangan’ wedding dance song na huling unang sayaw; at ang same day edit song na habangbuhay.

Mapapakinggan naman ang mga bagong kanta sa lahat ng available music streaming sites. - sa panunulat ni Hannah Oledan

October 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JUSTINE BIEBER

Hindi matutuloy ngayong taon ang concert sa Pilipinas ng Canadian pop superstar na si Justin Bieber.

Kinumpirma ito ng ovation productions matapos ang anunsyo ng singer na tinapos na nito ang kanyang ”Justice World Tour” sa Rock in Rio na idinaos sa Brazil.

Matatandaang ipinagpaliban din ng singer noong Hunyo ang nalalabing petsa ng kanyang tour matapos makaramdam ng matinding pagod kasunod ng pakikipaglaban nito sa sakit na Ramsay-Hunt Syndrome.

Sinabi naman ng ovation productions na valid pa rin ang ticket ng mga nakabili na nito para sa bagong petsa ng concert at maaari namang mag-refundang ticket holders .

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na bagong petsa, venue at lugar na pagdadausan ng concert ni Bieber.

October 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
miro sandro marcos

Binasag na ni Ilocos Norte Representative Sandro Marcos ang kaniyang katahimikan hinggil sa kumakalat na isyu sa tunay na relasyon nito sa actress at sexy model na si Alexa Miro.

Sa isang Tiktok video ng user na ferdinand_alexander7, mariing itinanggi ni Sandro na girlfriend niya ang aktres.

Iginiit pa ni Sandro na magkaibigan lamang sila at nagkataon lang na naispatan silang magkasama ng inakala niyang amateur photographer dahil kumukuha sila ng drinks sa naturang event.

Matatandaang naisyu narin ang dalawa dahil sa pagiging close nila sa isa’t isa kung saan, inamin din ng aktres na super close lang sila ni Sandro.

October 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BAYANIHAN DANCE TROUPE - CCP

Gumawa ng kasaysayan ang National Dance Company ng Pilipinas.

Ito ay matapos maiuwi ng Bayanihan Dance Troupe ang grand prize mula sa Cheonan World Dance Festival sa South Korea.

Magiliw na ipinamalas ng mga Pilipino ang kultura ng bansa sa pamamagitan ng musika at pagsasayaw.

Ayon sa grupo, nagbunga ang kanilang hirap at sakripisyo para muling makapag uwi ng karangalan para sa bansa mula sa unang international competition na sinalihan nila mula nang magsimula ang pandemya.

Ang pinakabagong award ay ika-14 na ng Bayanihan Dance Troupe mula sa mga sinalihang kumpetisyon sa ibayong dagat.

October 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest