Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

carol banawa

Nagsagawa ng benefit concert sa Capital One Hall sa Tysons, Virginia, USA ang dating singer na si Carol Banawa.

Para ito makalikom ng pondo para sa edukasyon ng ilang kabataang Pilipino.

Sa Instagram post ng aktres, ipinahayag nito ang pasasalamat sa mga nanood na naganap noong Disyembre a-dos.

Ilan pa sa mga performers na nakibahagi sa concert ni Carol ay ang Brown Rice at Diva Montelaba.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
blackpink

Gumawa ng kasaysayan ang South Korean Girl Group na Blackpink matapos itong itanghal na 2022 Entertainer of the Year ng TIME Magazine.

Ang Blackpink ang kauna-unahang girl group at ikalawang K-POP artist na nakatanggap ng nasabing award.

Ayon sa TIME, pinatunayan ng Blackpink na karapa-dapat sila sa nasabing title dahil tagumpay na nakamit nila ngayong taon.

Ang Blackpink ang nagpasikat ng mga kantang “How You Like That,” “Shut Down,” at “Pink Venom.”

Nakatakdang mag-concert ang South Korean Girl Group sa Pilipinas sa March 25 at 26, 2023 para sa kanilang  “Born Pink” World Tour.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
VHONG 2

Pinayagan na ng Taguig City Regional Trial Court ang aktor na si Vhong Navarro na maghain ng piyansa.

Ito ang sinabi ng abogado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga, kaugnay sa kinakaharap na kasong rape ni Vhong na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa inilabas na resolusyon ng branch 69 ng Taguig RTC, hindi pa kumbinsido ang Korte na guilty ang Kapamilya host sa mga akusasyon.

Dahil dito, isang milyong piso ang ini-alok na bail para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MATET DE LEON

Tila trinaydor ang pakiramdam ni Matet De Leon ng sariling inang si Superstar Nora Aunor.

Ito ay matapos i-launch ni Ate Guy ang kanyang gourmet tuyo at tinapa business na kapareho ng negosyo ni Matet.

Dinala ni Matet, may ari ng Casita Estrada, sa Instagram dahil sa sobrang sama ng loob sa ginawa ng ina.

Ibinunyag pa ni Matet na sinabihan siya ng kapatid niya na mag resell na lang ng negosyo ng kanilang nanay subalit ayaw niya ito dahil pinaghihirapan nila ng kanyang pamilya ang pagtitinda.

Ikinuwento ni Matet na mismong asawa niya ang gumagawa ng gourmet tuyo nila lalo na’t wala na siyang trabaho.

Napaiyak pa si Matet dahil hindi niya lubos maisip ang ginawa sa kanya ng kanyang ina na tila kasabwat pa ang kapatid niyang si Kiko na nagsabi rin sa kanyang hayaan na lang daw ang kanilang ina kung gusto nitong mag negosyo.

Ibinunyag pa ni Matet na hirap na hirap na sila ng kanyang Ate Lotlot at Kuya Ian dahil para silang nakatali, nakabusal at sinasampal sampal.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ALIW AWARDS

Pinakulay ng iba’t ibang personalidad ang idinaos sa Aliw Awards 2022 sa Manila Hotel, kagabi.

Nagdagdag saya sa nasabing event ang DWIZ anchor at Miss World first runner-up na si Evangeline Pascual.

Kabilang sa mga dumalo sa Awards Night 2022 sina; 2022 Entertainer of the Year Gerald Santos, Kea Chan, Jade Riccio, Nina Campos, Kathy Hipolito Mas, Carla Guevara Laforteza, Shiela Valderama Martinez, Jon Joven Uy at Occidental Mindoro Panda ng Gigabyte mula sa Lubang Island.

Mula nang gawaran ng Aliw Awards Foundation ang mga live entertainer, nagsikap ang foundation na magkaroon ng mga entertainment number sa naturang parangal.

Nagsilbing direktor naman sa live presentation si Jose Maria Hillario habang ang TV coverage ay sa ilalim ni Joey Nombres ng Aliw Trustee.

Ang Aliw Awards Foundation ay pinamumunuan ni Founding President Alice Reyes kasama ang mga officers at trustees na sina; Aristeo Garcia, First Vice President Brian Lu, Second Vice President Tess Tan, Secretary Francia Conrado, Treasurers Joey Nombres at Dennis Aguilar, PRO Jose Dadulla Junior, Auditor Rema Manzano, Ex-Officio Trustee and Trustees na sina Ofelia Cajigal, Aisha Reyes, Birdie Reyes the Third at Jory Reyes.

Inihandog ng Aliw Awards Foundation Incorporated sa pakikipagtulungan ng Lueur Lauren International Corporation at sinuportahan ng Greenfields Development Corporation, PAGCOR, San Miguel Corporation, Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa ilalim ni Mayor Joy Belmonte at mga ahensya. —sa panulat ni Jenn Patrolla

No description available.

No description available.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
yaya sperbund

Matagumpay na naidaos ng Thai love team at real-life lovers na sina Nadech Kugimiya at Urassaya Sperbund ang kanilang kauna-unahang fan meeting sa Pilipinas.

Sinurpresa ng dalawa ang kanilang Pinoy fans sa pamamagitan ng kantang ”Ikaw” ni Yeng Constantino na siyang ikinatuwa ng mga fans.

Lalong hinangaan ang couple dahil nakasuot din ang mga ito ng  traditional filipiniana at barong tagalog.

Maliban dito, sinubukan din ng dalawa ang mga pagkaing Pinoy kung saan talaga namang inenjoy ni Yaya ang pagkain ng fried chicken mula sa isang kilalang fast food restaurant sa bansa.

Ang ‘The Crown Princess’ at ‘Switch’ ang ilan lamang sa Thai series na pinagbidahan nina Nadech at Yaya.

December 6, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Sasampahan ng kaso ng International Band na Guns n’ Roses ang isang online store dahil sa paggamit nito ng kanilang pangalan.

Inihain ng banda ang kaso sa Los Angeles laban sa online gun store na Texas Guns and Roses.

Anang banda, hindi makatarungan ang paggamit ng store sa kanilang pangalan at ayaw anilang maugnay ang kanilang band name sa mga armas at karahasan.

Agad namang inabisuhan ng korte ang may-ari ng establisyimento na Jersey Village Florist Llc.

Mababatid na nabuo ang banda noong 1984 at naging isa sa pinakamatagumpay na banda sa mundo. - sa panunulat ni Hannah Beatrisse Oledan 

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
LYKA GAIRANOD

Ibinandera na ng ‘The Voice Kids’ Season 1 grand winner na si Lyca Gairanod ang kanyang non-showbiz boyfriend.

Ibinahagi ni Lyca sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang jowa na nagngangalang Kyle Walle.

Ayon sa kanyang short but sweet caption, ‘Spend time with you’.

Matatandang unang nakilala ng mga netizen ang kanyang karelasyon matapos mag-viral ang video mula sa isang content creator na invited sa debut ng dalaga noong Nobyembre 21. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BEA NEW LOOK

Pinahanga ni Bea Alonzo ang mga netizens sa bago niyang look.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang kanyang latest hairdo at nakasuot ng isang versace high-slit dress.

Say ni Bea sa kanyang caption, “New Look to Welcome the Holidays.”

Tinawag naman ng mga netizen na Dakota Johnson ng Pilipinas si Bea dahil sa pagkakahawig nito sa American Actress.

Maliban sa fans, nakatanggap din ang aktres ng mga papuri mula sa kanyang kapwa celebrities gaya nina Carla Abellana, Kyline Alcantara at Rhian Ramos.

December 5, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Nagkaroon ng Alopecia si Herlene Budol matapos sumali sa Binibining Pilipinas.

Ito ang kanyang inihayag sa isang panayam.

Sinabi ni Herlene na naging masaya siya sa pagsali niya sa patimpalak ngunit nakaramdam siya ng pressure at stress dahil ito ang kanyang kauna-unahang pageant para sa bansa.

Lumalala pa lalo ang kondisyon ni Budol dahil sa pagkamatay ng kaniyang lola at hindi magandang karanasan sa Miss Planet International 2022.

Inamin ni Herlene na maliit lamang ang kanyang Alopecia noon ngunit ikinagulat niya nang lumaki ito ngayon.- sa panunulaty ni Jenn Patrolla. 

December 4, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest