Nasa Pilipinas na ang K-Pop group na Enhypen.
Para ito sa kanilang kauna-unahang fan meeting sa Maynila ngayong araw, katuwang ang isang beauty brand na magaganap sa Araneta Coliseum sa Quezon City.
Noong Oktubre unang ibinalita na magtutungo sa Pilipinas ang grupo, para sa pagdiriwang ng ika-sampung anibersaryo ng kanilang kumpanya.
Sa Pebrero sa susunod na taon muling babalik ang Enhypen sa Pilipinas, para naman sa dalawang araw na concert sa Mall of Asia arena.
Ang K-Pop group na Enhypen ay binubuo nina Jungwon, Heeseung, Jay, Jake, Sunghoon, Sunoo at Niki na nabuo sa pamamagitan ng 2020 survival program na “I-Land.”
ENTERTAINMENT
Itinanggi ni Elha Nympha, Champion ng The Voice Kids 2015, na gumagamit ito ng autotune kapag nagco-cover ng kanta.
Ipinaliwanag ng singer sa isang TikTok video na palagi niyang nababasa sa mga YouTube comments na mala-robot na ang boses nito dahil sa autotune.
Aniya, hindi ito gumagamit ng autotune maliban sa reverb at echo dahil iyon ang nire-request ng mga fans kaya’t nagtutunog autotuned ang kaniyang mga kanta.
Sinabi rin ni Elha na kayang kaya nitong gayahin ang boses at tunog ng kahit sino at gayang-gaya rin aniya nito ang in-autotuned nitong boses. —sa panulat ni Hannah Oledan
Labis ang paghihinagpis ng singer na si Erik Santos habang niyayakap nito ang kabaong ng kaniyang ina na si Angelita Santos.
Ito’y matapos sumakabilang buhay ang kanyang Ina noong November 25 ng kasalukuyang taon dahil sa cancer.
Bago ang malungkot nitong pamamaalam, inalayan nito ng kantang “Ikaw” ang kaniyang Ina.
Idinaos din ang isang banal na misa para sa kaniyang ina bago ito crinemate.
Ibinurol naman ang mga labi ng ina ni Erik sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City. —sa panulat ni Hannah Oledan
Masaya at inspired si Vina Morales ngayon sa kaniyang buhay pag-ibig.
Mababatid na naging laman ng balita ang aktres kamakailan matapos nitong magbahagi ng picture kasama ang isang lalaki habang nakabakasyon sa Boracay.
Tumanggi namang magbigay ng buong detalye Vina hinggil sa kanilang relasyon.
Ngunit aniya, na-meet niya ang kaniyang boyfriend dalawang dekada na ang nakakalipas.
Matatandaang huling nagkarelasyon si Vina sa isang French businessman na tumagal ng dalawang taon bago sila naghiwalay noong 2017. – sa panulat ni Hannah Oledan
Pumanaw na ang tinaguriang Philippine Queen of Kundiman na si Sylvia La Torre sa edad na 89.
Kinumpirma ito ng kanyang apo na si Anna Marie Perez De Tagle sa isang Instagram post, kung saan sinabi nito na namayapa ang kanyang lola bandang 7:02 ng umaga kahapon.
Sinabi pa ni Anna Maria na ang kaniyang lola ang kanyang unang inspirasyon pagdating sa pag-awit at pag-arte.
Ito rin aniya ang nagsilbing vocal coach niya at nagturo sa kaniya ng Kundiman.
Nakilala si Sylvia bilang First Lady of Philippine Television at siya rin ang nasa likod ng mga Kundiman at Pinoy novelty songs gaya ng “Waray Waray,” “Mutya ng Pasig,” “No Money, No Honey,” “Alembong,” “ sa Libis ng Nayon,” “Kalesa,” “Peksman,” at iba pa.
Nabiktima ng basag kotse gang ang magkasintahang Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa Bacoor, Cavite.
Sa imbestigasyon ng mga otoridad, natangay ng mga salarin ang dalawang cellphone matapos basagin ang right rear passenger window ng kanilang sasakyan.
Ligtas at hindi naman nasaktan si Loisa at Ronnie matapos ang insidente.
Sa ngayon, naghain na ng police report ang magkasintahan habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan sa mga salarin.
Kinoronahan bilang 2022 Miss CosmoWorld ang kinatawan ng Pilipinas na si Meiji Cruz.
Isinagawa ang coronation night sa the St. Regis Kuala Lumpur sa Malaysia kung saan first runner up ang kinatawan ng Uzbekistan at second runner up naman ay pambato ng Thailand.
Bago sumali sa miss CosmoWorld si Cruz ay second runner up sa 2021edition ng Binibining Pilipinas.
Ayon sa website ng Miss CosmoWorld na naka base sa Malaysia at pag-aari ni Malaysian celebrity at Miss Chinese Cosmos 2004 Carrie Lee.
Layon ng 18-year-old pageant na piliin ang mga kababaihang independent at passionate sa buhay at mayruong good leadership quality.
Miss Grand International humingi ng paumanhin kasunod ng mga kritisimo na natanggap mula sa mga supporter ng pageant
Nag-sorry ang founder ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil kasunod ng mga natatanggap na kritisismo nito mula sa mga supporter at fans ng pageant.
Maliban dito, humingi rin ito ng pang-unawa sa pageant community at sinabing hindi madaling magkasa ng beauty pageant contest.
Nanawagan din ito sa fans na huwag ikumpara ang Miss Grand International sa Miss Universe at Miss World.
Sinabi pa ni Itsaragrisil na kung may mga nangyari man sa nakaraan ay dapat na itong kalimutan dahil ang mahalaga aniya ang nangyayari ngayon at ang hinaharap.
Matatandaang umani ng iba’t ibang reaksyon ang pag-appoint sa pambato ng Pilipinas na si Roberta Tamondong na unang nagtapos sa top 20 at kalauna’y kinoronohan bilang top 5 ng Miss Grand International 2022 kung saan pinalitan niya si Yuvna Rinishta ng Mauritius.
Mababatid na inanunsyo kamakailan ng Binibining Pilipinas Charities, Inc., ang pag-atras at hindi nito pag-renew ng prangkisa mula sa Miss Grand International.
Rabiya Mateo sinagot ang comment ng isang netizen sa kanyang recent Tiktok video
“I Will Never Be Like You.”
Ito ang bira ni Rabiya Mateo, isang Beauty-Queen turned Actress, sa isang netzien na nag-comment sa kanyang recent Tiktok video.
Mapapanood sa naunang video ni Rabiya kung saan siya ay nabatikos, ang masaya nitong pagsabay sa isang upbeat music habang sumasayaw.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa viewers.
Napansin ni Rabiya ang comment ng user na si @ginzcorz na nagsabing “looks cheap” kasabay ng iba pang emojis.
Agad naman itong kinall out ni Rabiya sa pamamagitan ng isang video reply.
Ayon kay Rabiya, hindi na bago sa kaniya ang makatanggap ng pambabatikos at proud ito sa kung anong nakamit nito sa buhay, sa pananamit at sa kaniyang pananalita.
Hinimok naman ng aktres ang naturang user na maging mabuting ehemplo sa pamilya nito at mamuhay bilang mabuting tao. - sa panulat ni Hannah Oledan
Humakot ng 13 nominasyon sa ika-38 Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for movies ang pelikulang Katips na pinagbidahan ni Jerome Ponce.
kabilang sa mga kategoryang nakuha ng naturang pelikula ang:
Best Indie Movie Of The Year: Katips
Best Director: Vince Tanada
Best Actor: Vince Tanada
Best Supporting Actor: Johnrey Rivas
Best New Movie Actress: Nicole Laurel
Best Ensemble Acting: The Cast Of Katips
Best Screenplay: Vince Tanada
Best Cinematographer: Manuel O. Abanto
Best Editor: Mark Jason M. Sucgang
Best Production Designer: Roland Aicenebur
Best Musical Scorer: Pipo Cifra
Best Sound Engineer: Dondon Mendoza
Best Original Song: Sa Gitna ng Gulo
Nagpasalamat naman ang buong team ng Katips sa mga pilipinong sumuporta sa kanilang pelikula.
Sa unang kwarter ng taong 2023, inaasahang ilulunsad ang awards night.

