Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

cats

Itinanghal bilang first runner up ng Pilipinas si Justine Felizarta sa Miss Tourism World 2022 pageant na ginanap sa Vietnam.

Nakuha ni Felizarta ang titulo sa kompetisyon habang second runner up naman ang Vietnam.

Kabilang naman sa mga finalist na nakapasok ang Russia na nakuha ang pwestong 3rd runner up at 4th runner up ang bansang Nigeria.

Habang kinoronahan bilang Miss World Philippines Tourism si Gwendolyne Fourniol.

- sa panunulat ni Jenn Patrolla

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
NADINE 2

Umalis na sa Careless Music ang aktres na si Nadine Lustre.

Ito ay music label na pag-aari ni James Reid.

Inamin ng aktres na hindi pareho ang kanilang pananaw at iba ang gusto niyang gawin.

Sinabi rin ng aktres sa isang panayam na nakatuon siya ngayon sa kanyang health issues na may kinalaman partikular sa kanyang spinal cord.

Nabatid na nawalan ang aktres ng oras para pagtuunan ng pansin ang kanyang katawan matapos ang kaliwa’t- kanang trip kaya’t nalimutang i-check ang sarili. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
TAYLOR SWIFT

Nakatakdang mag-direk ng isang feature-length na pelikula ang award-winning singer-song writer na si Taylor Swift.

Hindi naman isinapubliko ang mga detalye tungkol sa feature, kasama ang plot at casting nito.

Mababatid na isinulat at idinirek ng American Superstar noong nakaraang taon ang 15-minute-long short film na “All Too Well” na nagsilbing music video para sa re-recorded at expanded version ng kanyang kanta noong 2012.

Samantala, kilala rin ang Multi-Grammy-winning artist sa pag-awit ng mga kantang Lover, Shake it Off, You Belong with Me at iba pa. —sa panulat ni Hannah Oledan 

December 10, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ERASERHEADS

Tila hindi pa final reunion ang nakakasa nang Eraserheads reunion concert sa December 22 sa Paranaque City.

Ito’y matapos ibunyag ni Concert Producer Francis Lumen, Pangulo ng Weu Events Management Services ang mga planong dalhin sa labas ng bansa ang reunion ng Eraserheads.

Sinabi ni Lumen na nag-uusap na sila para sa posibleng world tour ng Eraserheads sa susunod na taon.

Masaya aniya sila na maipakita ang galing ng Pinoy sa international stage kaya’t excited sila pare-pareho sa posileng reunion concert ng Eraserheads sa ibang bansa.

Kasabay nito, ipinabatid ni Lumen na gumagawa na sila ng documentary ng Huling El Bimbo reunion concert at planong ipalabas sa SM Cinemas, Cignal, Smart Gigaplay, Amazon at Netflix.

December 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JODI STA MARIA - BEST ACTRESS AWARDS - Asian Academy Creative Awards

Itinanghal na best actress si Kapamilya Actress Jodi Sta. Maria sa Asian Academy Creative Awards.

Nanalo si Jodi dahil sa papel na ginampanan nito bilang “Doc Jill” isang betrayed at vengeful wife sa ABS-CBN adaptation ng K-drama series na “World of the Married Couple” na lokal na pinamagatang “The Broken Married Vow”.

Personal nitong tinanggap ang trophy para sa best actress for leading role sa Singapore.

Ikinatawan ni Jodi ang Pilipinas sa 2022 Asian Academy Creative Awards bilang isa sa 11 national winners na pinangalanan noong Setyembre.

Kaugnay nito, nanalo rin ang primetime series na best theme song o title theme para sa Gusto Ko nang Bumitaw ni Morissette Amon, best editing para kay Rommel Malimban, at best promo o trailer.

Si Jodi ay kilala rin sa mga naging teleserye nito tulad ng Be Careful with my Heart bilang si Maya Dela Rosa, at Pangako Sayo bilang si Amor de Jesus. –  sa panulat ni Hannah Oledan

December 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KYLINE ALCANTARA

Nilinaw ng aktres na si Kyline Alcantara na hindi pa official ang relasyon nila ni Mavy Legaspi.

Nabatid na suportado ng maraming netizen ang relasyon ng dalawa dahil sa kakaibang kilig na kanilang ipinapakita sa publiko.

Kapansin pansin kasi ang closeness at sweetness ng dalawa maging sa kanilang mga social media accounts na talagang nagpapakilig sa marami nilang fans.

Ayon kay Kyline, humihingi na siya ng payo sa ilang mga kaibigan pagdating sa lovelife.

Sa ngayon, hindi parin alam ng nakararami kung ano nga ba ang real score ng dalawa.

December 9, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
DONBELLE - SKYDIVING

Naabot na ng showbiz loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano ang isa sa kanilang bucket list na magkasama.

Ito ay pag-skydive na una nilang napagkasunduan noong August 2021.

Hindi naman makapaniwala ang dalawa na na-overcome nila ang mga pagsubok, para makamit ang isa sa kanilang ultimate dream.

Sa pagtungo sa Dubai nina Donny at Belle isinagawa ang skydive nang magsagawa ng promotional activities para sa pelikulang “An Inconvenient Love”.

December 8, 2022 0 comment
5 Facebook Twitter Google + Pinterest
STEVE HARVEY

Planong palitan ng Miss Universe organization ang iconic host na si Steve Harvey sa bagong edisyon ng Miss Universe 2023.

Ito’y kasunod ng pagtatapos ng exclusive contract ng pageant brand sa Fox company maging ang naturang host kung saan, plano nang gawing babae ang susunod na magiging host sa Miss Universe.

Bukod pa dito, inanunsiyo din ng organisasyon ang paglipat ng tv broadcast channel ng Miss Universe na ilalatag na via online streaming.

Sa kabila nito, ilang fans naman ang humiling sa thai owner at business woman na si anne jakkaphong jakrajutatip na huwag alisin si steve bilang regular host ng pageant dahil nakilala na ito bilang “most popular host” sa loob ng limang taon.

Matatandaang taong 2015 nang magviral si steve matapos ianunsiyo at koronahan si miss Colombia Ariadna Gutiérrez bilang Miss Universe sa halip na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

December 8, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

 May sarili nang online shop ang aktres na si Nadine Lustre.

Sa instagram post ng aktres, ibinahagi nito ang bagong achievement kung saan alok niya ang sariling pabango na luster at iba pa ng pre-loved na damit.

Maaaring mabili ang naturang produkto na may 50 % off.

Sa ngayon, maliban sa negosyo ay abala na rin si nadine sa kaniyang balik-pelikula para sa horror film na deleter.

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
KRIS BERNAL AT CARLA ABELLANA

Nangaroling ang dalawang aktres na sina carla abellana at Kris Bernal para makalikom ng pondo para sa mga inabandona at nailigtas na mga hayop.

 Tiniyak nina Carla at Kris na gawing espesyal ang holidays para sa ilang mga hayop.

 Sinimulan nina Kris at Carla ang pangangaroling sa bazaar sa World Trade Center kung saan bilang bahagi ng fundraiser na mapapanood sa Youtube ni Kris Bernal.

 Mababatid na isang vocal advocate ng animal welfare si Carla habang proud fur mom sa walong adopted dogs si Kris. - sa panulat ni Jenn Patrolla

December 7, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest