Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

JAMES REID

Inanunsyo ng Actor-Singer na si James Reid ang petsa para sa kanyang North American tour sa susunod na taon.

Ayon kay James, magsisimula ang kanyang councert sa Houston, Texas sa January 29, 2023 para i-promote ang kanyang ‘Lovescene ‘album.

Idaraos din ang kanyang concert sa Richmond, Virginia; Asbury Park, New Jersey; New York; Toronto, Ontario; Chicago, Illinois; Winnipeg; Calgary, Alberta; Vancouver; Seattle; San Francisco; at West Hollywood.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng tour si Reid sa North America.

Hindi naman binanggit ni James kung mayroon siyang guest performers sa kanyang concert tour.

December 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HERLENE BUDOL - BILLBOARD

Ibinida ng Comedienne at Beauty Queen na si Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol, ang kanyang dalawang billboard na matatagpuan sa Edsa Ortigas at Alabang Skyway Toll Plaza sa Alabang.

Ayon sa Binibining Pilipinas 2022 first runner-up, isa itong magandang pamasko sa kanya ng Jag jeans.

Matatandaang isa ang Jag jeans sa mga sponsor ng Binibining Pilipinas ngayong taon kung saan, si Herlene ang itinanghal na Jag queen.

Una na ring naitampok si Herlene sa kauna-unahan at pinakamalaking 3D led billboard sa bansa.

December 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Masayang ibinahagi ng “Wais Na Misis” na si Neri Naig na may sarili na siyang management company na pinangalanang wais communications incorporated.

Sa instagram post ni Neri, sinabi nito na hinikayat siya ni Direk Lauren Dyogi na magbukas ng kompanya para ma-manage ang mga endorsement deals ng kaniyang pamilya.

Inamin naman niya na nag-aalangan siya sa umpisa pero sinubukan niyang tanggapin ang bagong oportunidad sa tulong na rin ng kaniyang asawang si Chito.

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Talaga nga namang mapapa jaws drop sa stunning photos ng aktres na si Ina Raymundo para sa kaniyang 47th birthday.

Ipinost ng celebrity mom sa instagram ang no filter snaps kung saan nakasuot ito ng white swimsuit.

“Be kind, be strong, be you #47,” nakasaad sa caption ni Raymundo.

Matatandaan na ibinabahagi ng aktres ang lahat ng kaniyang fun activities para maging strong and fit.

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
ANDREA BRILLANTES

Gagampanan ng Kapamilya aktres na si Andrea Brillantes ang iconic role na “Dyesebel” sa isang upcoming teleserye ng ABS-CBN.

Ito’y ayon sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz kung saan sinabi nito na ipapalabas ang “Dyesebel” sa 2023 at papalitan ang teleseryeng Darna na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Kinumpirma rin ni Diaz na nagtra-training na si Andrea para sa nasabing role at katunayan anya ay isang certified diver ang ina ng aktres.

Una na ring sinabi ni Andrea na pangarap niyang gumanap bilang sirena sa isang teleserye. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BILLY CRAWFORD VHONG NAVARRO

Nagbigay ng mensahe ang singer-comedian host na si Billy Crawford sa kaibigan at kapwa komedyanteng si Vhong Navarro.

Ito’y matapos pansamantalang makalaya si Vhong sa Taguig City Jail makaraang payagang makapagpiyansa ng Korte na nagkakahalaga ng P1 milyon.

Ayon kay Billy, masaya siya na nabigyan ng temporary liberty ang kaniyang kaibigan para makasama ang pamilya nito ngayong pasko.

Sinabi ni Billy na looking forward siya na magtutuloy-tuloy ang pag-usad ng kasong kinakaharap ni Vhong sa maayos na paraan kung saan, nalungkot ang buong showbiz industry nang makulong ito.

Sa kabila nito, naniniwala si Billy na malulutas ang kaso at magiging maayos ang pamumuhay ni Vhong kasama ang kaniyang pamilya.

December 13, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Pinarangalan ng best supporting performance award si Filipina Actress Dolly De Leon sa 2022 Los Angeles film critics association awards

Ito ay matapos ang naging pagganap ng aktres sa international film na “Triangle of sadness” bilang si Abigail, isang toilet cleaner.

Mababatid na noong nakaraang linggo ay nasungkit din ni Dolly ang nominasyon para sa best supporting actress sa 2022 satellite awards na iginawad ng International Press Academy (IPA). – sa panunulat ni Hannah Oledan

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
jessi manila

Nanawagan sa mga Pinoy fans ang South Korean-American singer-rapper na si Jessi matapos ang kaniyang naging concert sa SM Festival Grounds Parañaque City kamakailan.

Sa Instagram post ni Jessi, nakiusap ang Rapper sa mga Pilipino fans na tigilan na ang pagturo sakaniya ng bad words na inakala niyang “I Love You” ang ibigsabihin sa wikang Ingles.

Sa kabila ng friendly reminder ni Jessi, kaniyang iginiit na mahal niya ang kaniyang Filipino fans kung saan, una nang sinabi ng singer sa naging unang concert nito na sakaling siya ay magreretiro sa Showbiz, nais niyang manirahan nalang sa Pilipinas.

Samantala, umani din ng ibat-ibang reaksiyon ang isa pang post ni Jessi dahil sa ibahagi niyang OOTD photo matapos ang naging Concert sa Manila kung saan, tolda ang kaniyang naging background na ikinatuwa naman ng mga filipino netizen.

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
UNKABOGABLE PARTY 2022

Nagtipon-tipon ang mga drag queen at ilang malalaking personalidad mula sa LGBTQIA plus community para sa “Unkabogaball” party na pa-event ni Vice Ganda sa Cebu.

May temang Philippine “Herstory” ang kaganapan na layong ipagdiwang ang talento ng queer people.

Kabilang sa mga dumalo sina “IDOL Philippines” Lucas Garcia, Macoy Dubs, “Drag Race Philippines” Corazon, Turing Quinto at Lady Morgana, Miss International Queen 2022 Fuschia Anne Ravena, Miss Q and A Queen of the Multibeks Anne Patricia Lorenzo, Francine Garcia at iba pa.

Matatandaang naghost din si Vice Ganda ng isang “Unkabogaball” party noong Enero at sinabing nais niyang gumawa ng event upang magkasama-sama LGBT community. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 12, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
cats

Bukas sa publiko ang burol ng yumaong singer na si Jovit Baldivino sa kanilang tahanan sa Batangas.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang ama na si Hilario Baldivino.

Sa unang gabi ng burol nito ay dumagsa ang malalapit na kaibigan at miyembro ng pamilya ng mang-a-awit.

Nilinaw naman ng kinakasama ni Jovit na si Camille Anne Miguel na hindi ito nag-collapse hanag nagpe-perform.

Sa ngayon ay isinasapinal pa ng mga kaanak ni Jovit ang magiging pagsasaayos para sa libing ng mang-a-awit. - sa panunulat ni Hannah Oledan

December 11, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest