Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

LIE REPOSPOSA

Usap-usapan ngayon sa social media ang boyfriend ng singer at PBB Otso housemates na si Lie Reposposa.

Ito’y matapos ibahagi ni Lie sa kaniyang Instagram account ang mga litratong kasama ang kaniyang boyfriend na may hashtag “Road to forever.”

Agad na nagbigay ng ibat-ibang komento ang mga netizen maging ang kapwa mga artista nito na natuwa naman at sinabing may nanalo na.

May ilan ding nagbigay ng komento na hindi man pinalad si Lie sa kaniyang career, winner naman ito pagdating sa kaniyang love life.

Ayon pa sa ilang netizen hindi na mapapasama sa SMP Group (Samahang Malalamig ang Pasko) ang naturang singer dahil nakahabol ito bago matapos ang taong 2022.

December 19, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BRENDA MAGE

Nanakawan ng alahas ang dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Brenda Mage.

Ibinahagi ito ni Brenda sa kanyang social media account na ninakaw ang mamahaling bato na nagkakahalagang P120,000 na mula sa Japan at hindi pa niya ito bayad.

Sa ngayon, wala pang suspek sa pagnanakaw ngunit may pinaghihinalaan ang komedyante pero kukumpirmahin muna niya ito sa pamamagitan ng hula.

Kasabay nito, sa pag-asang makita ang kanyang mga alahas nagtungo ang vlogger sa mga malapit na pawnshop.

Gayunpaman, ipagdadasal na lamang ng komedyante ang kaniyang sitwasyon.

December 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BARBIE DEBBIE

Nagsalita na ang aktres na si Barbie Imperial tungkol sa issue nila ng VIVAMAX Artist na si Debbie Garcia.

Ito’y matapos niyang sugurin sa isang bar sa Quezon City noong Nobyembre.

Inamin ni Barbie sa isang panayam na wala pa siyang natatanggap na subpoena matapos itong kasuhan ni Debbie ng physical injuries.

Isiniwalat pa ni Babrie na na-provoke siyang sugurin si Debbie dahil sa paulit-ulit na pagkakamali na nagawa nito.

Sa ngayon, wala pa ring reaksyon ang kampo ni Debbie hinggil sa issue. —sa panulat ni Jenn Patrolla

December 18, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
aiko melendez

Naging star-studded ang selebrasyon ng 47th birthday ni QC Councilor Aiko Melendez.

Kabilang sa mga dumalo ay mga artista kabilang sina Vina Morales, Sunshine Cruz, Katrina Halili, BB Gandanghari, Dolly Anne Carvajal, Dondon Sermino, Ogie Diaz.

Naging present din ang ibang politiko kabilang na sina Vice President Sara Duterte, Sen. Bong Go, Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Kon. Alfred vargas, Kon. Wency Lagumbay.

Samantala, naging sentro naman ng biruan ang pagni-ninang ni VP Sara sa kasal nina Aiko at Zambales’s 1st District Representative Jefferson “Jay” Khonghun. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
lou accident

Nadisgrasya ang Cebuana Beauty Queen na si Lou Dominique Piczon matapos bumangga ang minamanehong sasakyan sa Center Island ng kalsada kahapon.

Naganap ang insidente sa may N. Bacalso Street, Barangay Sambag 1, Cebu City.

Agad namang naisugod ang beauty queen sa malapit na ospital at ayon sa kanyang malapit na kaibigan, wala itong tinaming sugat mula sa aksidente bukod sa kaunting chest pain.

Sa ngayon ay nakauwi na si Lou at kasalukuyang nagpapagaling mula sa car accident. —sa panulat ni Hannah Oledan

December 17, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HEAVEN - IAN

Aminado ang aktres na si Heaven Peralejo na posible siyang ma-fall kung binata pa ang aktor na si Ian Veneracion.

Sa naganap na media conference ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF), inamin ni Heaven na na kay Ian na ang lahat ng katangian ng isang lalaki kaya mataas ang posibilidad na mahulog ito sa aktor.

Samantala, sinabi naman ni Ian na para sa kaniya, si Heaven ay hindi umano pang-sugar baby level.

Bukod pa dito, ipinagtanggol din ni Ian si Heaven laban sa mga basher nito na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho kung saan, naging mainit ang mga eksena sa pelikulang kanilang pinagbibidahan batay narin sa sinusunod nilang scripts.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
HENRY CAVILL

Inanunsiyo ng Hollywood actor na si Henry Cavill na hindi na siya ang gaganap bilang Superman sa susunod na mga DC Cinematic Universe movies.

Sa Instagram post ni Henry, kaniyang sinabi ang malungkot na balitang hindi na siya babalik bilang international superhero.

Pinasalamatan naman ni Henry ang mga taong nandyan at patuloy na sumusuporta sa kaniya sa mahabang panahon.

Dahil dito, maraming netizen ang nalungkot sa naging anunsiyo ni Henry kabilang na diyan ang dating basketball player at ngayon ay social media influencer na si Doug Kramer.

December 16, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
STREETBOYS

Muling nagsama-sama ang ilang miyembro ng streetboys, kabilang si Vhong Navarro na nagkaroon ng maligayang reunion isang linggo matapos makapagpiyansa.

Sa kanilang official Facebook page, ibinahagi ng grupo ang isang photo kung saan bakas sa mga mukha nito ang kasiyahan at tila nagkaroon ng at home get-together.

Ito ang kauna unahang public photo ni Vhong matapos nitong nakalaya mula sa Taguig City Jail sa piyansa noong Disyembre 6.

Kabilang sa litrato sina Jhong Hilario na co-host nito sa It’s Showtime at sina Meynard Marcellano, Chris Cruz, Joey Andres, at Spencer Reyes.

Mababatid na nakulong ang Aktor at TV Host ng dalawang buwan sa National Bureau of Investigation (NBI) at isang linggo naman sa Taguig City Jail bago mapagbigyan ang petisyon nitong makapagpiyansa. –  sa panulat ni Hannah Oledan

December 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MARCO ALCARAZ

Viral ngayon sa social media ang aktor na si Marco Alcaraz matapos kumanta sa isang local beauty pageant sa Urdaneta, Pangasinan.

Ito’y matapos sumobra ang off-key sa kantang “Ngiti” na kinanta ni Marco.

Ayon sa mga netizen, mula simula hanggang sa dulo ng kanta, walang tinamaang tamang tono ang aktor.

Bukod pa dito, may ilan pang nagbigay ng komento na lasing umano si Marco kaya hindi naging maayos ang pagkanta nito sa entablado.

Sa ngayon, umabot na sa 1.2 million views; 23,000 laughing reactions; at lagpas na sa 2,000 comments ang viral video ni Marco.

December 15, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
Untitled design (1)

Nakapagtapos na sa pag-aaral at naging magna cum laude ang isang grab driver na nagviral noong kasagsagan ng pandemya.

Matatandaang si Ax Valerio, isang communication student na hinangaan ng mga netizens noong september 2020 ay kinuhanan ng litrato ng kaniyang kaibigan habang nasa online class sa adamson university habang nakasuot ng grab uniform.

2 taon matapos ang kaniyang pagsisikap ay nakatanggap ito ng silver medal para sa pagiging Magna Cum Laude.

Hindi naman makapaniwala si Valerio at nagpapasalamat naman ito sa lahat ng naging inspirasyon para maabot ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral.

December 14, 2022 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest