Nilinaw ni OCTA Research Group Fellow Molecular Biologist, Father, Nicanor Austriaco na hindi pa kailangan ang vaccine booster shots sa mayorya ng populasyon laban sa COVID-19.
Ito, ayon kay Austriaco, ay dahil nananatiling epektibo ang mga bakuna, batay sa kanilang kalkulasyon sa vaccine effectiveness sa Davao City.
Ang mga bakuna anyang ginagamit ngayon sa bansa ay nananatiling malakas at may kakayahang protektahan ang mga Pilipino laban sa Delta variant, na mas nakahahawang uri ng COVID-19.
Sa datos mula Davao, 86% ang effectivity ng bakuna indikasyon na hindi pa kailangan ng boosters para sa general population.
Samantala, inihayag ni Austriaco na nagsasagawa na sila ng pag-aaral upang malaman ang epekto ng mga COVID-19 vaccine sa health care workers.—sa panulat ni Drew Nacino