Pansamantalang sinuspinde ng Philippine Consulate General sa New York ang ballot feeding sa kalayaan hall dahil sa technical issue ng isa sa Vote Counting Machines (VCMs) na ginagamit sa Overseas Absentee Voting.
Batay sa isang advisory, sinabi ng consulate general na ang teknikal na isyu ay nangyari sa huling bahagi ng proseso ng ballot feeding ng ang isa sa dalawang natitirang balota ay naipit sa loob ng isa sa mga VCM.
Bagaman may available na pangalawang VCM, nagpasya ang konsulado na suspindihin ito hanggang sa makatanggap sila ng abiso mula sa Commission on Election (COMELEC) kung magagamit ang nasabing VCM na sumailalim sa final testing.
Nabatid na nagsimula noong April 10 at magtatapos sa May 9 ang Overseas Absentee Voting (OAV). -sa panulat ni Airiam Sancho