Sa kauna-unahang pagkakataon simula noong Setyembre, ay nakapagtala ang Department Of Health ng below 5,000 na bilang ng COVID-19 cases.
Kahapon ay umabot lamang sa 4,496 ang bagong kaso dahilan upang sumirit sa 2,731,735 ang total cases.
Bumaba naman sa 63,637 ang active cases habang 9,609 ang recoveries kaya’t umabot na sa 2,627,126 ang kabuuang bilang ng gumaling.
Gayunman, nakapagtala ng 211 deaths dahilan upang lumobo sa 40,972 ang bilang ng namatay.
Samantala, pitong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng testing results.—sa panulat ni Drew Nacino