Isang black lantern protest rally ang isinagawa ng ACT o Alliance of Concerned Teachers sa Mendiola, Maynila.
Layon nang pagkilos na hilingin sa Malakaniyang na ibigay na sa mga public school teachers ang kanilang PBB o Performance Based Bonus at itigil na ang pagpatay sa mga Pilipino.
Ipinaabot din ng ACT ang pagsama ng loob nila sa pagpasa ng Kongreso sa house joint resolution number 18 na nagdo doble sa buwanang sahod ng pulis at militar samantalang walang dagdag sa mga guro at iba pang kawani ng gobyerno.
Ipinaalala ng act ang pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte nuong 2016 na tataasan ang suweldo ng mga guro at tatapusin na ang contractualization na hindi naman nangyari.
Sinunog din ng grupo ang effigy ng Pangulo sa programang idinaos sa kanto ng Mendiola at Recto.