Nangangamba naman ang kampo ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na malagay sa balag ng alanganin ang Punong Mahistrado.
Ito’y ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, abogado ni Sereno ay dahil sa hindi sinunod ng Bureau of Internal Revenue o BIR ang normal na proseso sa imbestigasyon nito hinggil sa mga income tax returns o ITR ng kanilang kliyente noong siya’y nag-aabogado pa para sa Piatco.
Magugunitang inihayag ng BIR sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment case laban kay Sereno kahapon na nakitaan nila ng ilang discrepancies o hindi tamang detalye ang ITR ng Punong Mahistrado.
Giit ni Lacanilao, hindi man lamang nahingan ng panig si Sereno hinggil sa ginagawa nitong imbestigasyon at iginiit na nabayaran ito sa pamamagitan ng mga hawak nilang dokumento.
Madali naman aniyang malaman kung nagbayad na ng tamang buwis ang Punong Mahistrado dahil sa isang non-starter naman ang usapin taliwas sa pahayag ng BIR sa Kamara.
(Ulat ni Jill Resontoc)