Magsisimula na ngayong buwan ang limited in-person classes ng nasa 70 public elementary at high schools sa Bacolod City.
Ayon sa Bacolod City School Board, nagkasundo na ang lahat ng guro at mag-aaral na kailangang bakunado muna bago makalahok sa in-person classes.
Magiging gradual basis at paunti-unti naman ang pagbubukas ng klase.
Wala nang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bacolod City sa loob ng 28 araw. – sa panulat ni Abigail Malanday