Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maiprenta ang nasa 50- M National ID, E-Phil ID bago matapos ang taon.
Ayon kay PSA Undersecretary Dennis Mapa, maisasakatuparan ito sakaling magdadag ng makina lalo na dumarami ang bilang ng nagpaparehistro.
Batay sa datos ng PSA, 74 – M Piliino na ang nakapagparehistro sa National ID System habang 29 na milyon ang backlog.
Mahigit na 20 – M na ang may E-Phil Id na maari nang gamitin.
Samantala, tiniyak ng psa kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos na makamit ang target bago matapos ang 2022. - sa panunulat ni Jenn Patrolla