Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa 35K mula sa 136K na mga driver ang nakatanggap ng kanilang P6,500 na pantawid pasada program fuel subsidy.
Ayon kay LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, nagsimula na ang land bank sa pag-transfer ng naturang fuel subsidy sa mga public utility vehicle drivers at operators, na lubhang apektado serye nang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo
Nabatid na inaasahan ng ahensiya na makukompleto na ng Land Bank of the Philippines ang distribution ng naturang ayuda hanggang Biyernes.
Sa ngayon ay patuloy na namamahagi ng mga cards ang nabanggit na banko sa mga drivers at operators ng mga bus, tricycle at delivery riders dahil sila naman ay kabilang expanded program ng fuel subsidy. – sa panulat ni Mara Valle