Tatlo ang sugatan sa pagsalpok ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa isang crawler crane sa Sampaloc, Maynila.
Ayon sa pamunuan ng PNR, kabilang sa nasugatan ang operator, konduktor at isang pasaherong sakay ng tren.
Malaki ang nasira sa harap ng tren dahil sa impact.
Sa inisyal na imbestigasyon, parating na sa Antipolo Street ang tren na patungo sanang Governor Pascual, malabon nang bilang gumalaw ang crawler crane na ginagamit sa konstruksyon ng NLEX-SLEX connector project.
Ang assistant ng operator ng crane ang nangialam sa sasakyan na kinilalang si Jerson Banzon, dahilan para humampas ito sa tren.
Agad namang tumakas ang si Banzon, pero kalaunan ay sumuko rin sa Manila District Traffic Enforcement unit.
Sa ngayon, pinag-aaralan na ng pamunuan ng PNR kung anong parusa ang ipapataw kay Banzon.