Hindi pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na babaan pa ang edad para sa mga maaaring panagutin sa krimen.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline De Guia, malaki ang papel ng gobyerno sa paghubog ng mga kabataan at hindi sagot aniya ang pagpapakulong sa mga ito sa murang edad.
Giit pa ni De Guia, mas mainam kung tutukan ng gobyerno ang pagpapatupad ng batas kung saan binibigyang mandato ang mga lokal na opisyal na magpatayo ng “bahay pagasa” kung saan isasailalim sa rehabilitasyon ang mga batang nasasangkot sa krimen.
Layon ng Senate Bill 2016 na inihain ni Sotto na ibaba sa 13 taong gulang ang mga maaari ng papanagutin sa batas.