Inaprubahan na ng Senado ang Senate Concurrent Resolution no. four na nagsusulong ng transparency at accountability sa proseso ng pagpapasa ng panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Nakapaloob sa resolusyon ang pagla-livestream ng budget process; at paggawa ng matrix para madaling maintindihan ang mga pagbabago sa budget.
Minamandato ng concurrent resolution ang pag-upload ng lahat ng budget-related documents sa website ng Senado at Kamara; mula sa forms na isinusumite ng mga ahensya, report ng public hearings, bicameral conference committee, hanggang sa pinal na general appropriations bill bago ito isumite sa Pangulo.
Tinitiyak din sa ilalim ng resolusyon ang public access sa impormasyon at malayang pakikilahok ng publiko sa deliberasyon sa 2026 national budget.
Lalagyan ng translation sa mga lokal na salita ang budget documents para maintindihan.
Sa paraang ito, inaasahang bawat piso ay mapoprotektahan, magagastos nang tama at naaayon sa tunay na prayoridad ng pamahalaan.