Home NATIONAL NEWS Impeachment trial ni VP Sara, target tapusin ng prosekusyon sa ikalawang linggo ng Nobyembre

31 arestado sa investment scam sa Pasig City

by DWIZ 882 September 12, 2022 0 comment
ARESTADO

Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group o PNP-ACG ang 31 indibidwal na sangkot sa investment scam sa Pasig City.

Ayon sa mga otoridad, kanilang sinalakay ang isang call center firm sa nabanggit na lungsod matapos mapag-alaman na nambiktima ang mga suspek ng mga British at Australian National.

Sa naging pahayag ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., ikinasa ang raid matapos magreklamo ang mga dayuhan na biktima ng pekeng transaksiyon.

Kabilang sa mga naarestong suspek, ang may-ari ng call center firm na nag-ooperate at nanghihikayat ng mga dayuhan para mag-invest sa kanilang pension plan kung saan, sakaling magtransfer ng pera ang mga biktima, tsaka ito ililipat ng may-ari sa ibat-ibang accounts.

Kasalukuyan na ngayong iniimbestigahan ang mga suspek sa tanggapan ng PNP-ACG sa Camp Crame at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 4 o Computer Related Fraud; Section 5 o Aiding or Abetting in the Commission of Cybercrime sa ilalim ng  Republic Act (RA) 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Comments

comments

You may also like

Leave a Comment