Nagbigay ng paalala ang Health Department sa lahat ng ospital, laboratoryo maging ang mga LGU na maging responsable sa pagtatapon ng medical waste o tinatawag na infectious waste.
Ginawa ni Vergeire ang paalala matapos na magpositibo sa Covid-19 ang pitong bata sa Catanduanes dahil sa paglalaro ng mga medical waste.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may mga batas sa ganitong paglabag.
Bukod dito, mayroon ding polisiya na magiging gabay kung paano gagawin ang mga ito.
Giit pa ng health official na hindi nila kukunsintihin ang ganitong mga irresponsableng gawain dahil maaaring maghatid ng sakit ito sa ibang tao at kalapit na komunidad.