Umakyat na sa ₱964.45 milyon ang halaga ng pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng habagat at mga bagyong Mirasol at Nando.
Batay ito sa ulat ng Department of Agriculture kung saan Pinakamatinding tinamaan ang ng palay na may 71.33%, sinundan ng mais 19.73% at high-value crops na may 8.47%.
Bahagya ring napinsala ang imprastrukturang agrikultural, livestock at poultry, irrigation facilities, at makinarya.
Sa tala ng DA, apektado ang 32,738 magsasaka at mangingisda habang umaabot sa 32,384 ektarya ang lawak ng taniman na napinsala.
Sa kabuuang lawak, 27,992 ektarya ang may posibilidad pang makarekober, habang 4,392 ektarya ang tuluyang hindi na maisasalba pa.
Tinatayang 82,557 metric tons ang kabuuang volume loss sa produksyon ng pagkain.
Posible namang tumaas pa ang datos ng pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa nagpapatuloy na assessment sa mga apektadong rehiyon.