Home ENTERTAINMENT

ENTERTAINMENT

starr

Kakaibang birthday gift ang natanggap ni Ringo Starr ng bandang The Beatles, matapos siyang regaluhan ng University of Liverpool sa United Kingdom ng honorary degree.

Nabatid na tinanggap ni Ringo, na nakilala bilang drummer ng naturang banda, ang kanyang Honorary Doctorate of Music sa isang pribadong seremonya bago ang taunang birthday party niya sa kanyang tahanan sa Los Angeles.

Ayon sa tambolero, isang malaking karangalan na mabigyan siya ng honorary degree dahil sa kanyang ambag sa musika.

Sa kanyang talumpati, inalala ni Ringo ang mga panahon na tinutulan pa ng kanyang mga magulang ang pangarap niyang maging drummer para sa isang banda.

Gayunman, nagpayong si “Dr. Starr” sa mga nagsipagtapos sa University of Liverpool na sundin ng mga ito ang kanilang mga pangarap sa buhay, gaano man ito kahirap.

Matatandaang isinapubliko ng The Beatles noong 2023 ang itinuturing na pinakahuli nitong kanta na “Now and Then,” kung saan tampok ang mga natitirang miyembro ng banda na sina Ringo Starr at Paul McCartney; habang inilagay naman sa music video ng kanta ang mga yumaong miyembro nito na sina John Lennon at George Harrison sa pamamagitan ng artificial intelligence. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 9, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
MMFF

Inanunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang apat na entry para sa 2026 Metro Manila Film Festival sa darating na Pasko.

Kabilang dito ang “The Greatest Showdown” ng tambalang Vic Sotto at Vice Ganda; “Second Miracle in Cell Number 7,” na sequel ng 2019 Philippine adaptation ng South Korean Film na “Miracle in Cell Number 7,” na pagbibidahan ni Aga Mulach, Xia Vigor, at Bela Padilla; “Haunted Carnival,” kung saan bida sina Julia Barretto, James Reid, John Arcilla, at Maricel Soriano; at “Amir” na pagbibidahan ni Dennis Trillo.

Inaasahan namang papangalanan ng MMDA ang iba pang entry para sa MMFF ngayong taon.

Samantala, inanunsyo naman ni MMDA chairman Romando Artes na nakipagkasundo ito sa Cinema Exhibitors Association of the Philippines upang ipako sa P299 ang maximum ticket price ng mga MMFF entries sa mga pinilakang tabing. | mula sa panulat ni Anjo Riñon

July 8, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
taylor and Kelce

Kasado na ang kasal nina superstar singer Taylor Swift at ang kanyang soon-to-be mister na si Travis Kelce.

Batay sa impormasyong ibinahagi ng mga otoridad sa The Associated Press, gaganapin ang kasalang Kelce-Swift sa Madison Square Garden sa New York City bukas ng umaga, oras sa Pilipinas.

Kasalukuyan namang nagaganap sa mga oras na ito ang isang rehearsal dinner para sa mga opisyal na bisita nina Taylor at Travis.

Nauna nang naging spekulasyon na magaganap ang kasalan sa pagitan ng singer at atleta sa Independence Day weekend sa Estados Unidos.

Maging si New York City Mayor Zohran Mamdani ay tikom ang bibig tungkol sa gaganaping kasalan, ngunit nagpasaring sa social media ng mga tips sa publiko kung paano manatiling presko sa kalagitnaan ng isang heat wave, lalo na aniya kung may magaganap na kasalan sa Madison Square Garden ngayong weekend.

Samantala, may ulat naman ang showbiz news outlet na Page Six na ikinasal na sina Taylor at Travis sa isang pribadong seremonya, at posibleng post-wedding celebration ang event sa naturang stadium sa New York. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 3, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
BINI

Ipinagpaliban ng P-pop girl group na BINI ang European leg ng kanilang “Signals” World Tour dahil sa “unforeseen circumstances.”

Bagaman hindi itinukoy ng management ng BINI, matatandaang nananalasa ang isang heat wave sa ilang bansa sa Europa, tulad sa France, kung saan mahigit isanlibong katao na ang namatay.

Dahil dito, humingi ng paumanhin ang naturang grupo sa mga “Blooms,” na bansag sa mga fan nito.

Dagdag pa ng BINI, nais pa rin nilang ituloy ang European leg ng kanilang world tour, at iaanunsyo nila ito sa lalong madaling panahon. | Sa panulat ni Anjo Riñon

July 2, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
JULIE + RAYVER

Nagpahiwatig sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz na posibleng ikasal na sila sa 2027 matapos sabay na mag-“agree” sa tanong sa isang television talk show.

Nilinaw ni Rayver na wala pa silang tiyak na timeline ngunit kumpiyansa siyang si Julie na ang kanyang mapapangasawa.

Ibinahagi rin ng dalawang singer na tutol sila sa live-in setup bago ang kasal.

Iginiit ni Rayver at Julie na parehong nagmula sila sa tradisyunal na pamilya at mas pinapahalagahan muna ang pagpapakasal bago ang pagsasama bilang mag-asawa sa isang tahanan.—sa panulat ni Jordan Gutierrez

June 27, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

ERASERHEADS

Maagang pamasko ang hatid ng bokalista ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia at ng graphic illustrator na si Rob Cham sa mga fans ng naturang banda.

Ito’y dahil inanunsyo ng dalawang artista ang kanilang pakikipag-kolaborasyon upang idisenyo ang limited edition merchandise bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng Eraserheads Christmas album na “Fruitcake.”

Ayon kay Ely, namangha siya kung paano idinesenyo ni Rob ang mga ilustrasyon para sa album; habang inamin naman ni Rob na matagal na niyang nagugustuhan ang concept album ng Eraserheads na nakasentro sa pagdiriwang ng Pasko.

Ilalabas ngayong araw ang 30th anniversary edition merch ng “Fruitcake” sa gaganaping Offshore Music Bazaar sa Makati City. — Sa panulat ni Anjo Riñon

June 26, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
SER GEYBIN AND MAM ELMA CONTENT CREATOR

Kinumpirma ng content creator couple na sina Gavin Capinpin at Elma Asagra, o mas kilala online bilang Ser Geybin at Mam Elma, na hiwalay na sila matapos ang pitong taong pagsasama.

Nagsimula ang mga ugong-ugong ng kanilang paghihiwalay matapos lumitaw sa social media ang mga alegasyong nanloko umano si Geybin sa kanyang kasintahan matapos siyang bumiyahe kasama ang isang babaeng nakilala lang bilang alyas “Ayra.”

Gayunman, iginiit ng ex-couple na walang third party na kinalaman sa kanilang desisyong tapusin ang kanilang pagsasama; at ayon kay Elma, magkaibigan lang sina Geybin at alyas “Ayra.”

Dagdag pa ni Elma, pakitang-tao lamang ang kanilang masasayang eksena ni Geybin sa harap ng camera, at aminado silang matagal na nilang kinakaharap ng lihim ang mga hamon sa kanilang relasyon.

Sa huli, nagpasalamat si Elma kay Geybin sa panahon ng kanilang pagsasama, at iginiit na may puwang ito sa kanyang puso. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 24, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest
2026 PMPC STAR AWARDS FOR MUSIC

Ipinasilip na ng Philippine Movie Press Club ang partial list ng mga nagwagi sa gaganaping ika-17 PMPC Star Awards for Music sa Hunyo 25.

Kabilang sa mga paparangalan ang kantang “Salamin, Salamin” ng p-pop girl group na BINI bilang Dance Recording of the Year; “Rainbow Christmas” ni Vice Ganda bilang Christmas Song of the Year; at si Juan Karlos Labajo bilang Male Acoustic Artist of the Year.

Paparangalan din ang bandang Spongecola bilang Rock Artist of the Year; at si Kris Lawrence bilang male r&b artist of the year.

Kabilang din ang kantang “Palagi” ng mag-asawang TJ Monterde at Kz Tandingan; at ang cover ni Khel Pangilinan ng kantang “Ipagpatawad Mo” sa mga paparangalan ng PMPC ngayong taon.

Pinarangalan din bilang Inspirational Song of the Year ang himnong “Ningas ng Pag-asa” ni Jamie Rivera, na tagalog version ng opisyal na Himno ng Simbahang Katolika para sa 2025 Jubilee Year nito.

Pinakilala na rin sina Jayda Avanzado, Dylan Menor, Jarren Garcia, at Marthena Jickain bilang mga host ng naturang gabi ng parangal.

Ilan naman sa mga magtatanghal sa nasabing event sina Sam Concepcion, Moira Dela Torre, at ang rap group na salbakuta. — sa panulat ni Anjo Riñon

June 23, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

SILENT

 Pinoy series na “The Silent Noise,” wagi sa 2026 Global OTT Awards!

Nagiwagi ang Filipino series na “The Silent Noise” bilang Best Asian Content sa ginanap na 2026 Global Over-The-Top Awards sa South Korea.

Nabatid na tinalo ng “The Silent Noise” ang iba pang mga serye mula sa Thailand, Japan, Taiwan, at China.

Tinanggap naman ng direktor nitong si Onat Diaz at ng aktres na si Angelica Panganiban ang karangalan sa awards ceremony ng 2026 Global OTT Awards sa Busan noong Hunyo 20.

Samantala, naging nominee naman si Angelica Panganiban sa Best Female Lead Actor category ng patimpalak, na kalauna’y naipanalo ng Koreanang aktres na si Shin Hae-sun para sa seryeng “The Art of Sarah.” — Sa panulat ni Anjo Riñon

June 22, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest

JOHN ARCILLA - Southeast Asian Artist na nakakuha ng Volpi Cup for Best Actor Award

Muling maririnig ng mga fans ng aktor na si John Arcilla ang malutong na linya ng kanyang karakter na si Heneral Antonio Luna sa ilalabas niyang music single na “Ano ba ‘yan, punyeta!”

Ayon sa Star Music, nakatakdang isapubliko ang naturang kanta sa Hunyo 24, 06:00 ng gabi; ngunit maaari na itong i-pre-save sa mga digital streaming platform.

Nabatid na nagsimula ang karera ni John sa teatro bago siya nakilala sa pelikula at telebisyon.

Lalo pang nakilala ang aktor matapos niyang gampanan si Antonio Luna, at dahil na rin sa pagsasalita nito ng “punyeta!” sa pelikulang “Heneral Luna” noong 2015. — Sa panulat ni Anjo Riñon

June 19, 2026 0 comment
0 Facebook Twitter Google + Pinterest