Natanggap na ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang tugon ni Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 wheelchair attendant Niño Namba na umano’y nanghihingi ng P50,000 sa mag-asawang Esteban at Salvacion Cortabista na nahulihan ng bala sa paliparan.
Ayon kay Col. Adolfo Samala, Commander ng PNP National Capital Region Aviation Security Group, natanggap na nila ang sworn statement ni Namba kung saan mariin nitong itinanggi ang naturang akusasyon.
Tiniyak ni Namba na haharapin niya ang demanda ng mag-asawang Cortabista.
Ipinabatid din ni Samala na hihintayin pa nila ang sinumpaang-salaysay ni Fei Balagot na direktang nagtuturo kay Namba na nangingikil ng P50,000.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)