Nanindigan si Health Secretary Paulyn Ubial na walang naging iregularidad sa 3.5 billion peso dengue vaccination program ng Aquino administration bago nagtapos ang termino nito.
Nilinaw ni Ubial sa House Committee on Health hearing na hindi siya napasama sa pagtalakay ng executive committee ng Department of Health (DOH) kahit pa humingi siya ng paliwanag kung bakit napabilang ang kanyang initials sa ilang dokumento na nag-apruba sa proyekto.
Anya, abala siya sa Eastern Visayas Regional Medical Center noong Pebrero 5 kaya’t hindi siya napasama sa pagtalakay sa procurement ng dengvaxia vaccine.
Magugunitang inilunsad ng DOH noong Abril ang school-based immunization program at pinangasiwaan ang unang dose ng vaccine sa mga grade 4 student o mga mag-aaral na edad 9 pataas sa National Capital Region Southern Luzon at Central Luzon na pawang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue.
By Drew Nacino