Desidido si Vice President Jejomar Binay na mapanagot ang kanyang mga kritiko na patuloy na naninira sa kanya.
Matatandaan na Pebrero pa nang ihayag ni Binay na pinag-iisipan na niyang kasuhan ang mga nasa likod ng mga alegasyon ng katiwalian laban sa kanya.
Ayon kay Atty. Claro Certeza, abogado ni Binay, ibinase nila nila ang P200-milyong pisong damage suit sa mga media interviews at mga pahayag na ginawa ng kanilang mga isinakdal sa labas ng mga hearing sa senado lalo na sina Senador Antonio Trillanes at Allan Peter Cayetano.
Kasabay nito, idinepensa ni Certeza ang pasya nilang isama sa mga sinampahan nila ng kaso ang pahayagang The Philippine Daily Inquirer.
“Ang batayan po talaga nun ay libel, kasi libelous po yung mga paulit-ulit na sinasabi nitong mga defendants na ito, na inaakusahan ang ating Bise Presidente ng sari-saring krimen, paratang ito na walang ebidensiya, meron din itong kaakibat na civil liability.” Pahayag ni Certeza.
By Len Aguirre | Kasangga Mo Ang Langit