Sarado ang United States Embassy at iba pang tanggapan nito sa Maynila bukas, Nobyembre 11.
Ito’y bunsod ng pag-obserba ng Veterans Day na isang holiday sa Amerika.
Muli namang babalik ang regular na pagseserbisyo ng embahada at gayundin ng mga affiliated office nito sa Huwebes, Nobyembre 12.
Taun-taong ipinagdiriwang sa Estados Unidos ang Veterans Day para magbigay pugay sa mga beteranong sundalo.
By Jelbert Perdez