Hindi na umano dapat bigyan ng kulay ang dinner ng dalawang matataas na opisyal ng bansa.
Ito ang pananaw ni Liberal Party President at Senador Kiko Pangilinan sa pag-imbita ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hapunan kay Vice President Leni Robredo.
Sinabi ni Pangilinan na bagaman maituturing na baguhan sa pulitika si Robredo, maybahay siya ng namayapang si DILG Secretary Jesse Robredo na matagal din nagsilbi bilang elected local official kaya’t malawak na rin ang kaalaman ng Bise Presidente sa mga motibong pulitikal.
Idinagdag pa ni Pangilinan na may tiwala sila sa kanilang partido na anuman ang mga mabibigat na isyu na mapapag-usapan ng dalawa sa hapunan ay ikokonsulta pa rin ito sa kanila ni Robredo.
By: Meann Tanbio