Inihain kahapon sa Commission on Elections (COMELEC) ang unang election protest para sa May 9 national and local elections.
Inihain ni Meycauayan, Bulacan Mayoralty Candidate si Judy Alarilla ang electoral protest laban kay Henry Villarica, na naiproklama na noong Mayo 10, isang araw matapos ang halalan.
Ayon kay Atty. Ace Bautista, abogado ni Alarilla, nais nilang magkaroon ng recount sa botohan matapos na makatanggap sila ng ulat na may mga voter’s receipt na hindi nagtugma sa mga ibinotong kandidato ng mga botante sa balota.
Laganap din umano ang ‘vote buying’ sa kanilang lugar.
Sa record, si Villarica ay nakakuha ng botong 67,588 habang si Alarilla ay nakakuha ng 23,913.
Matutuloy lamang ang recount request kung kakatigan ito ng COMELEC.
By Mariboy Ysibido | Allan Francisco