Sumampa na sa 839 ang fireworks-related injuries.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, mas mababa ng isang porsyento ang bilang ng mga naputukan ngayong taon kumpara noong 2015.
Pito naman ang biktima ng stray bullet at isa ang ingestion.
Sa datos ng DOH, National Cpital Region (NCR) ang nangunguna na may pinakamataas na bilang ng kaso partikular ang Maynila kung saan nakapagtala ng higit 160 kaso.
Piccolo ang pangunahing dahilan ng disgrasya sa paputok.
By Meann Tanbio